Happiness is Hard - ON HOLD
NotThatCharming
"Alam mo, si Rex, feeling ko may gusto sa akin. Hindi sa nag-aassume ako ha, pero kasi, ay nakoo, kinikilig ako! Hahaha!"
Yun lang daily routine namin.
Ako si Ken. Kenneth Dallo.
Nakikinig sa bestfriend kong si Alyssa na nag-kukwento tungkol sa gusto niya.
Ayos lang sa'kin.
KASO.
Mahal ko siya.
Ano'ng patutunguhan ng buhay namin? Kasi, ako kuntento na sa ganito. Masaya na ako. Kahit masakit.