acemigs131990's Reading List
16 stories
MY LOVELY BRIDE- DIDI  AND LIO by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 57,406
  • WpVote
    Votes 391
  • WpPart
    Parts 6
Kahihiwalay lang nina Didi at Lio. Hindi pa halos naghihilom ang sugat sa puso na iniwan ni Lio sa puso ni Didi nang malaman niyang si Lio ang kinuhang best man ng future brother-in-law niya. At dahil siya ang maid of honor ng Ate Greta niya, no choice siya kung hindi makasama at makasalamuha si Lio sa ayaw niya o sa gusto habang inihahanda ang kasal ng Ate Greta niya sa best friend ni Lio. Mula nang maghiwalay sila ni Lio ay ilang beses na rin naman silang nagkita dahil sa shared custody nila sa mga alaga nilang aso. At sa buong durasyon ng dalawang buwan mula nang maghiwalay sila ni Lio ay pilit niyang ipinalalabas sa lalaki na tanggap na tanggap na niya ang paghihiwalay nila kahit na isang malaking kasinungalingan lang iyon. Kahit na ang totoo ay masakit pa rin para sa kanya sa tuwing nakikita niya ang binata. Kaya paano niya palalabasin ngayon na balewala lang sa kanya ang makasama at makaharap ang dating nobyo? Kung sa bawat pagtatagpo nila habang inaayos ang kasal ng ate niya at ng best friend ni Lio ay ini-imagine niya na sila ni Lio ang nasa lugar ng dalawa? Ang problema, mukhang balewala naman ang lahat ng iyon para kay Lio.
LOVING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 218,310
  • WpVote
    Votes 5,598
  • WpPart
    Parts 12
KAHIT sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ni Aya na may demigod na babagsak sa abang tahanan nila. Ngunit iyon ang nangyari nang biglang sumulpot sa apartment complex ng pamilya niya si Brett Hart Valencia. Literal na bumagsak ito dahil ipinatapon ito ng lolo nito sa lugar nila upang turuan ng leksiyon. Ang masama, siya ang puwersahang naatasang gabayan ito. She was tasked to make him humane. Pero paano naman niya gagawin iyon kung sa tuwina na lamang ay laging nag-iinit ang ulo niya sa mga pang-iinis nito? Ang nakakairita ay kasama yata sa paraan nito ng pang-iinis ay ang pang-aakit nito at pagnanakaw ng halik tuwing may pagkakataon ito. Hanggang sa nangyari ang ayaw niyang mangyari - she fell in love with him. Alam niya na walang kahahantungan iyon. Afterall, kasama lamang niya ito dahil pinaparusahan ito ng lolo nito. One day, he will surely go back to his old life as the co-heir of a multi-million company, in a place where she will never reach him even in her wildest dreams. PS: thank you Abby (OhCheeseball) for the cover. :)
MY MISCHIEVOUS STAR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 327,778
  • WpVote
    Votes 9,906
  • WpPart
    Parts 23
Girl magnet si Eman, palibhasa ay isa itong sikat na modelo with a gorgeous face and a hot body. Pero kung lahat ng babae ay nagkakandarapa rito, hindi si Darlyn. "Why don't you like me?" minsan ay tanong nito sa kanya. "Why are you always angry at me?" "Because a guy like you will just make me cry," sagot niya. "Mapaglaro ka, babaero, playboy, palikero at kung ano pa ang puwedeng itawag sa 'yo." "Kung ganoon ay sisiguruhin ko sa 'yong babawiin mo ang lahat ng sinabi mong 'yan," seryosong pahayag nito. "I will make you fall in love with me." She knew she shouldn't be threatened. Pero bakit hindi ganoon ang nangyari, lalo na nang halikan nito ang mga labi niya sa unang pagkakataon?
Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,552,278
  • WpVote
    Votes 34,678
  • WpPart
    Parts 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligible bachelor; Guwapo, may magandang trabaho at mayaman. Just when she was about to open her heart to him, something happened to her mother. Kinailangan niyang putulin ang namumuo na sana nilang unawaan ni Ross. Lalo na at nagdesisyon siyang lumapit sa mayaman niyang ama na may iba ng pamilya. Nang tumanggi ang kaniyang ama na tulungan sila nagalit si Bianca. She vowed revenge. She acted as his father's mistress to ruin his reputation. Kabit na ang tingin sa kaniya ng lahat nang muling magsalubong ang landas nila ni Ross. Narealize ni Bianca na may damdamin pa rin siya para sa binata. At determinado pa rin si Ross na suyuin siya. But how can she set her feelings free if she's tangled with lies she created herself?
Bachelor's Pad series book 3: PLAIN JANE'S MR. ARROGANT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,691,089
  • WpVote
    Votes 38,279
  • WpPart
    Parts 34
Buong buhay ni Jane passive siyang tao. Plain hindi lang ang hitsura niya kung hindi pati ang personalidad niya. Kaya naman kahit kailan hindi siya umasa na mapapalapit siya kay Charlie Mariano, her puppy love, her first love and her one true love. Kaya naman nang isang gabi ay sumulpot si Charlie para sa dinner dapat ni Jane kasama ang lolo ng binata ay labis siyang nagulat. Lalo na nang malaman niya na fiancée pala niya ito alinsunod sa kagustuhan ng lolo nito. Ni wala siyang kaalam-alam! Binigyan pa sila ng mga pamilya nila ng dalawang buwan para kilalanin ang isa't isa bago ianunsyo ang kanilang engagement. Galit na galit si Charlie. But Jane realized it was her chance. Sa unang pagkakataon gusto niyang gumawa ng paraan para makuha ang isang bagay na gusto niya. Kaya balak niyang gamitin ang dalawang buwang palugit na iyon para paibigin si Charlie. It was the gamble of her life. Because if she failed, she will surely end up with a broken heart. PS: this is one of my personal favorites. :)
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,785,694
  • WpVote
    Votes 40,456
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.
Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,478,974
  • WpVote
    Votes 32,528
  • WpPart
    Parts 39
"Kailangan lang palang makilala ko ang tamang babae para gustuhin kong lumagay sa tahimik. Mabuti na lang, nakilala kita." Brokenhearted si Almira nang makita niya si Brad sa pangalawang pagkakataon sa Las Vegas. Ang dating masayahin at laging may nakahandang charming smile na Brad Madrigal ay miserable naman sa pagkakataong iyon. Kailangang magpakasal ni Brad sa isang babaeng hindi nito mahal. That night, they found comfort in each other. Kinabukasan, nang magising si Almira ay naroon na siya sa hotel room ni Brad. Kapwa wala silang maalala sa mga nangyari kagabi pero alam nilang may namagitan sa kanila! Inakala ni Almira na hanggang doon na lang ang magiging koneksiyon niya sa binata. Pero dumating ang isang package mula sa Las Vegas. Ang laman-isang marriage contract... At silang dalawa ni Brad ang nakapirma. She was married to a famous and internationally awarded celebrity! PS: dahil published na ang story na ito kaya asahan na po ninyo na may mga eksena sa libro na wala dito sa wattpad. enjoy reading!
Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 792,181
  • WpVote
    Votes 18,119
  • WpPart
    Parts 25
May manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin ang lahat para sa binata. Mula sa pagre-resign sa dati niyang trabaho para maging assistant ni Art, hanggang sa pagiging punong abala sa preparasyon ng kasal nito. Bale-wala sa kanya kahit sa tingin ng iba, pagpapakatanga ang ginagawa niya. Hanggang isang aksidente ang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ni Art. lyon din ang naging dahilan kaya nagkalapit si Charlene at ang binata. Ipinangako niya na hindi ito iiwan hanggang sa maka-recover. Unti-unti ay nakita niya ang recovery ni Art. Unti-unti rin ay naging higit pa sa dati ang relasyon nila. When he kissed her, she felt like her feelings would finally be reciprocated. Nagkaroon siya ng pag-asa. Na agad ding gumuho dahil bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Art.
MARRYING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 425,498
  • WpVote
    Votes 11,134
  • WpPart
    Parts 13
Nasusuong sa malaking problema si Lettie. Biglang sumulpot ang kaniyang ama na matagal na panahong nagtago dahil sa halos milyong utang na iniwan nito sa kanila dahil sa pagkalulong nito sa bisyo. At bumalik ito upang sabihing may paraan na itong naisip upang mawala ang mga utang nila - iyon ay ang pakasalan niya ang apo ng matalik na kaibigan ng nasira niyang lola na si Damon Valencia. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang napagpilian kung hindi ang pumayag. Ngunit unang beses pa lamang nilang pagkikita ni Damon ay hindi na kaagad maganda ang impresyon niya rito. Tingin niya ay mahihirapan siyang pakisamahan ito. Ngunit nang makasama na niya ito ay narealize niya na hindi naman pala masamang mapangasawa ito. Hanggang sa tuluyan ng mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang alam niyang delikado ang puso niya rito. Dahil kahit nagsasama na sila ay isa pa rin itong estranghero na maraming lihim sa pagkatao. At isa sa mga iyon ang dudurog sa puso niya. PS: this story was originally published March 2012 under Precious Hearts Romances. Ang i-po-post ko dito ay ang unedited version. :) PPS: thank you Abby (@ohCheeseball) for the cover. :)
THE SWINDLER AND THE BEAST by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 471,281
  • WpVote
    Votes 16,563
  • WpPart
    Parts 38
Napadpad si Belle at ang mga kapatid sa San Bartolome nang tumakas sila mula sa mga taong naloko nila sa Maynila. Gusto na niyang magbago sila pero na-curious ang mga ate niya sa sekreto ng malaking bahay sa isang bahagi ng bayang iyon. Nautusan siya ng mga itong pasukin at alamin kung totoo ang mga sabi-sabing kumakalat sa bayan tungkol sa lalaking nakatira doon. Isang galit na lalaki ang sumalubong sa kanya roon dahil nahuli siya nitong pumipitas ng rosas sa hardin nito. Para hindi siya ipapulis ni Kieran-ang lalaking may-ari ng bahay- kinailangan niyang manatili sa bahay nito biglang tagalinis. Habang naroon siya unti-unti niya itong nakilala. Nalaman din niya ang katotohanan kung bakit palagi itong galit at ayaw makisalamuha sa ibang tao. Sa kabila ng mga kapintasan at madilim na nakaraan nito, na in love pa rin si Belle kay Kieran. Kaso alam niyang walang kahahantungan iyon. Kapag nalaman ng binata kung ano ang tunay na intensiyon niya sa paglapit dito at kung ano ang tunay niyang pagkatao... huwag na siyang umasa sa isang happy ending