REVELATION SERIES
4 historias
The Clandestine of the Ministry (Published in Ukiyoto Publishing) por Jan_Mangahas
The Clandestine of the Ministry (Published in Ukiyoto Publishing)
Jan_Mangahas
  • LECTURAS 5,385
  • Votos 465
  • Partes 21
ABOUT THE SERIES Ang Revelation na serye ay hango sa Aklat ng Rebelasiyon sa Bibliya. Tampok dito ang pitong simbahan, ang mga selyo, at ang apat na nilalang, na binanggit sa nasabing aklat. Ang panstasiyang ito ay umiikot sa isang grupo na binubuo ng pitong kabataan, na ang layunin ay ipalaganap ang kapayaap at katiwasayan sa kanilang pinakamamahal na mundo, ang Thera, sa pamamagitan ng pagbubunyag ng mga sekretong nakatago. Hinarap ng pito ang iba't-ibang hamon at pagsubok, na siyang nagpatibay sa kanilang samahan at pagkakaibigan, at siya ring naghulma sa kanila patungo sa bagong bersiyon ng sarili nila. Gamit ang kakayahan nilang gumamit ng mahika, nagawa nila ang mga imposible, at ibinalik nila ang lahat sa dati nitong karangalan. ABOUT THE BOOK Hindi masukat ni Seph ang kasiyahan niya nang maipasa niya ang Sacred Cross Ordeal. Isa ito sa pinapangarap niya. Dahil lumaki sa Lower Division, nangako siya sa sarili niya at sa ina niya na si Marea na iaahon niya ang pamilya niya sa kahirapan. At para magawa iyon, kailangan niyang pumasok sa Sacred Cross Academy at magtapos. Ang pagtapos sa tatlong taon pag-aaral sa akademiya ay isang karangalan. At hindi lang iyan, marami ding mga oportunidad ang naghihintay. Bilang mag-aaral sa nasabing akademiya, hindi mapigilan ni Seph na mamangha at bumilib. May mga kaibigan siyang makikilala, gayundin ang mga kaaway. Pero hindi lang ito ang natuklasan niya. Dahil sa kalahating buwan niyang panunuluyan sa loob ng Inner Circle, nalaman niya ang tinatagong sekreto ng Ministry mula sa kanila. Isang sekreto na hindi nila lubos maisip at inasahan. Isang sekreto na siyang babago sa mundo na tinatapakan nila. *** SERIES NO.: 1 of 4 GENRE: Fiction- Fantasy, Dystopia, Supernatural, Yaoi CHAPTER: 13 (excluding the Prologue and Epilogue) WORD COUNT (CHAPTER): Approx. 5,000 words WORD COUNT (TOTAL): 64,000 All rights reserved DO NOT PLAGIARIZE!
The Scheme of the Rebellion (BL Fantasy) por Jan_Mangahas
The Scheme of the Rebellion (BL Fantasy)
Jan_Mangahas
  • LECTURAS 1,858
  • Votos 207
  • Partes 18
BOOK II of the REVELATION SERIES Natalo na ang Ministry. Hindi na kontrol ng Moderators ang Agartha. Napigilan ng grupo ni Seph ang nakakasindak na plano ng Ministry. Pero imbis na tuwa at saya ang ibabayad sa kanya, naging sentro siya ng usapan at titig ng ibang Scholar, hinuhusgahan ang kilos na ginawa niya. Dahil wala na ang Ministry, kailangan ng Agartha ng bagong pinuno. Isang pinuno na parehong tatanawin ang kapakanan ng mga mamayan, at ang panganib na posibleng ibato ng Moderators. Jusef, ang kinikilalang pinuno ng The Rebellion. Siya ang napiling bagong pinuno ng Agartha. Dahil sa kahusayang ipinakita niya sa loob ng ilang taon, naging karapat-dapat siyang pinuno ng lugar. Ngunit sa isang kadahilanan na ilang taon nilang pinanghawakan, kailangan niya itong talikuran. Iisa lang ang layunin nila, iyon ay ang pabagsakin nang tuluyan ang Moderators. Nakaplano ang lahat. Inakala nilang makakamit nila ang tagumpay, pero nasurpresa sila. Naisahan sila.
The Verity of the Moderators (BL Fantasy) por Jan_Mangahas
The Verity of the Moderators (BL Fantasy)
Jan_Mangahas
  • LECTURAS 1,551
  • Votos 167
  • Partes 18
ABOUT THE BOOK Bigo mang mabalaan ng pito ang Rebellion sa naghihintay na panganib sa lungga ng Moderators, nagawa naman nilang malaman ang isang sibilisasiyon na hindi nila inakalang makikita. Isang bagong mundo na siyang sumira sa paniniwala nila na nag-iisa sila. Ang Eden, isang isla na ilang milya ang layo mula sa Agartha. Magkalayo man ang agwat, konektado naman sila sa karanasan at kasaysayan. Kagaya ng Agartha, naging biktim din ang Eden ng mga malulupit at masasamang plano ng Moderators, at sa kasamaang palad, bigo nila itong napigilan. Dito sa bagong mundong nadiskobre ni Seph, mas makikilala ang sarili niya. Mga rebelasiyon na sumagot sa ilang katanungan niya, pero hindi niya inasahan at inakala. Pero hindi lang ito ang nabuksan nila, kundi pati rin ang nakakubling plano ng Moderator na walang sinoman ang maniniwala. Isang kagustuhan na siyang papatay hindi lang sa lahat ng nilalang, kundi pati rin sa Thera. Isang mahirap na desisyon ang kinaharap nila - kung lalaban ba sila o maghihintay ng tamang panahon para sumalakay. Kung pipiliin nila ang una, walang kasiguraduhan na makakalabas sila ng buhay. Pero kapag pangalawa naman, anomang oras pwedeng isagawa ng Moderator ang plano. Gayunpaman, naging buo na ang desisyon ni Seph. Hindi ito nagustuhan ng iba, pero sinupurtahan nila. Labag man kay Seph, sama-sama nilang nilusob ang lungga ng kalaban. At ang tanging sandata nila para manalo, ay ang paniniwala na mananalo sila. *** SERIES NO.: 3 of 4 GENRE: Fiction- Fantasy, Dystopia, Supernatural, CHAPTER: 13 (excluding the Prologue and Epilogue) WORD COUNT (CHAPTER): Approx. 5,000 words WORD COUNT (TOTAL): 68,000 All rights reserved DO NOT PLAGIARIZE!
The Terminus of the League (BL Fantasy) por Jan_Mangahas
The Terminus of the League (BL Fantasy)
Jan_Mangahas
  • LECTURAS 1,528
  • Votos 165
  • Partes 19
About the Book Tagumpay mang mailigtas ang Rebellion mula sa pagkukulong, bigo namang mailigtas ni Seph ang kaibigan niyang si Ria. Nagising mula sa pagkakatulog ng isang buwan, inakala ni Seph na panaginip lang ang lahat. Hindi inakala ni Seph na makakabalik pa siya sa Agartha. Minsan na niyang tinanggap na hindi na siya makakabalik dito, ngunit pinaglaruan siya ng tadhana. Masakit man para sa kanya, pero kailangan niyang tanggapin. Dahil hindi lang pagkamatay ni Ria ang magpapasakit sa kanya, kundi pati na ang napagtagumpayan ni Ms. Uriel - nabuksan na ang Pitong Silyo ng Paghuhukom. Kaya napagdesisyon muli ng grupo ni Seph na hanapin ang dalawa pang Divine Creatures, na pinaniniwalaang magliligtas sa Thera sa katapusan. Tinungo nila ang Jerus - ang sangtwaryo na ginawa ng Tagapaglikha para sa mga hayop - at tagumpay na nakilala ang isang agila at baka. Pahirapan man ito pero nagpasalamat sila na nakuha pa rin nila kung ano ang napagplanuhan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi pala ang mga Divine Creatures ang nakatakdang iligtas ang Thera, kundi pitong piniling tao. Sa pamamagitan ng isang ritwal, mapipigilan ang bituing nagngangalang Wormwood sa pagtama sa Thera. Dahil kapag nagkataon, magiging pulbo nalang ang Thera. Walang kasiguraduhan na magtatagumpay sila...pero kailangan nilang subukan. *** SERIES NO.: 4 of 4 GENRE: Fiction- Fantasy, Dystopia, Supernatural, CHAPTER: 13 (excluding the Prologue and Epilogue) WORD COUNT (CHAPTER): Approx. 5,000 words WORD COUNT (TOTAL): 67,000 All rights reserved DO NOT PLAGIARIZE!