Sweetheart Series
15 stories
Señorito Series 2: Robertito COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 204,843
  • WpVote
    Votes 4,912
  • WpPart
    Parts 15
Ang balak lang ni Perdita ay ipakilala ang anak ng yumaong kaibigan niya sa ama nito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata. Pero hindi ganoon ang nangyari. She ended up agreeing to marry Ronald, the child's father. Pumayag lang siya sa proposal para tulungan si Ronald na pagtakpan ang pagiging miyembro nito ng federasyon. Pero tinangay siya ni Robertito-ang kapatid ni Ronald. Kailangan kasi ng lalaki ng pera at ayaw aprubahan ang loan nito sa kompanyang pag-aari ng sariling pamilya. At wala itong balak na isauli siya kay Ronald hangga't hindi naaaprubahan ang loan! Sa lahat naman ng na-kidnap, si Perdita lang ang nagdasal na huwag sana siyang tubusin dahil nabighani agad ang puso niya sa kanyang abductor. At sa lahat naman ng mga kidnapper, si Robertito lang ang masama ang loob nang ibigay na rito ang ransom para sa kanya.
Wedding Girls Series 05 - SHELBY - The Wedding Singer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 180,123
  • WpVote
    Votes 4,877
  • WpPart
    Parts 25
"Tell you what, Shelby, kapag nag-mature ka na. Maybe, kapag eighteen ka na at ako pa rin ang crush mo, ibibigay ko sa iyo ang first kiss na hinihiling mo." ***** Marcus Sandoval was her big crush during her teens. Fifteen si Shelby nang matanggap ni Marcus ang isang Valentine card na hindi niya ipinadala subalit ang nakasulat ay ang totoong laman ng puso niya: she wanted Marcus to be her valentine and first kiss. Nasunod ang unang kahilingan niya. Marcus gave her the experience of first date. Subalit hindi siya nito pinatulan upang maranasan ang isang halik. Ang pangako nito: someday. Iyon ay kapag hindi na siya ganoon kabata o kaya ay kapag tumuntong na siya sa disiotso. At sa kondisyon na si Marcus pa rin ang crush niya. Subalit pagkatapos nang gabing iyon ay bumilang ng mahabang taon bago sila muling nagkita. At bagaman natanto niya na si Marcus ay nanatili pa ring espesyal sa kanyang puso, hinding-hindi naman niya magagawang ipaalala dito na mayroon pa siyang isang kahilingan na hindi nito napagbibigyan. Because was now engaged to be married to someone else. Pero bakit buhat nang muli niya itong makita ay siya mismo ang hindi mapakali?
Blush Series 2: Crush Clash by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 230,907
  • WpVote
    Votes 5,913
  • WpPart
    Parts 18
Alam ni Rima sa sarili na hindi lang siya pang-promo girl sa supermarket na nagpapa-sample ng iba't ibang produkto. She had proven herself right nang matanggap siyang account executive sa isang kompanya. From selling instant noodles, she would now be selling toilet bowls. Well, not bad dahil galing naman iyon ng Italy. Pero mainit ang dugo ng boss ni Rima sa kanya. Wala nang alam gawin si Andy-her boss-kundi awayin siya. In one of their fights, she bit his finger-hard. She was fired. Sa awa ng bratitat na anak ni Andy, kinuha siya nitong yaya. From promo girl, yaya ang kinabagsakan ni Rima. Siya na yata ang halimbawa ng naghanap ng kagitna, isang salop ang nawala. Kaya? Eh, fifteen thousand pesos naman daw ang suweldo plus allowance. Meron pang isang benefit na hindi niya alam. Si Rima pala ang napili ng anak ni Andy na maging new mommy nito. That was some benefit that was hard to resist.
Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 180,441
  • WpVote
    Votes 4,391
  • WpPart
    Parts 21
Ang gusto lang ni Coco Artiaga ay ang mamuhay nang tahimik at nag-iisa. Ang mapagbintangang aswang ang huling bagay na gusto niyang mangyari sa kanya, pero iyon nga ang nangyari. Sinugod ng taong-bayan ang lumang bahay na tinitirhan niya at balak pa yata siyang sunugin ng mga ito nang buhay dahil nga naniniwala ang mga ito na isa siyang aswang. Enter Carlo, her Lilliputian knight. Buong gilas siya nitong ipinagtanggol sa mga nang-aakusa sa kanya. "Mga katoto, aswang man po ay may karapatan sa due process, ayon sa Saligang Batas ng bansang Pilipinas!" buong giting na wika nito. Itinalaga pa nito ang sarili na maging tagabantay niya. Kapag daw nahati ang katawan niya, ito na ang bahala sa maiiwan niyang kalahati. Mahilig daw ito sa magagandang legs.
Bud Brothers Series Book 2: My Golly, Wow Betsy! (Published by PHR, Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 251,624
  • WpVote
    Votes 5,647
  • WpPart
    Parts 21
May misyon sa Bud Brothers Farm si Betsy: Susubaybayan at aalamin ang lahat-lahat tungkol kay Wayne Alban, ang misteryosong boyfriend ng kanyang amo. Unang araw pa lang niya roon ay pumalpak na siya nang madaganan at masira niya ang precious hibiscus hybrid ng lalaki. Nangangatal man ang lahat-lahat sa kanya ay umamin siya rito ng kasalanan. "Kahit ano ho ang iparusa n'yo sa akin, tatanggapin ko, mapatawad n'yo lang ako," sabi niya sa dark and utterly mysterious na si Wayne. "Okay. Be my wife," sabi nito. Gilalas siya. Parusa ang hinihingi niya, hindi biyaya!
Bud Brothers 4-Tail, You Lose; Head, You're Mine by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 259,087
  • WpVote
    Votes 5,631
  • WpPart
    Parts 30
"Do you know what's your problem, Pete? You think you're the best thing since instant noodles!" "I don't believe this! You're making a big deal out of a one-night stand!" Gilalas si Tammy pagkatapos niyang marinig ang mga katagang iyon mula kay Pete. She was so sure they shared something special last night. It was magical! Pero bale-wala pala iyon sa lalaki at ang nais nito ay kalimutan na lang nila ang lahat. Hindi siya papayag! Tumayo siya nang tuwid at tumingin nang diretso rito. "Last night, I fell in love with you. I know you did, too, and I'm gonna prove it," paniniyak niya.
Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 304,648
  • WpVote
    Votes 7,532
  • WpPart
    Parts 22
Pinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay sa kanya ni Pio ang lahat ng kailangan niya. But there was a catch: Sa ayaw niya at sa gusto, araw-araw niyang makakasalamuha si Vicente Banaag, ang lalaking kinaiinisan niya nang labis-labis. Bakit hindi? Noon ay walang awa nitong dinurog ang inosente niyang puso. Ngunit wala naman pala siyang dapat ipag-alala. Gagawin din ni Vicente ang lahat para iwasan siya. Hindi rin nito gustong makita siya araw-araw. Ang hindi nila alam, may niluluto ang Bud Brothers...
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,291,028
  • WpVote
    Votes 26,628
  • WpPart
    Parts 20
"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa sa kasalanang bagaman hindi niya ginawa ay inako niya. Isa lang ang alam niyang solusyon upang matahimik na silang pareho, ang magpakasal kay Arnel.
Sweetheart Series 1 by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,749,295
  • WpVote
    Votes 40,148
  • WpPart
    Parts 27
"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beautiful love noong eighteen siya under the stars and the moonlight. Makapanatili ba ang magandang pagibig when she was already pregnant at eighteen at si Renz ay tumalikod sa pangako.
Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,933,675
  • WpVote
    Votes 37,773
  • WpPart
    Parts 28
"Shut up, Moana, I don't kiss little girls with braces!" Moana Marie was fifteen and had this stupid crush on Vince Saavedra, cool and drop-dead gorgeous. But her feelings for him was way out of line. Walong taon ang tanda nito sa kanya, may girlfriend, apprentice sa kompanyang pag-aari ng daddy nya, higit sa lahat: Hindi nito pinapansin ang panunukso niya. Pero bakit laging naroon si Vince sa tuwing kailangan niya ito that she became dependent on him? When Vince left, it broke her heart. Now, he was back after four years. CEO and general manager ng bangkong pag-aari ng mga magulang niya. Hindi lang ang bangko ang hinahawakang tungkulin ni Vince sa pagbabalik nito. He also assured his role as her self-appointed big brother. What now? Nawala nga ang crush niya rito, nahalinhinan naman ng mas malalim. She was falling in love with him.