AlamatNgKwento's Reading List
2 stories
Hiraya Manawari by jmaginary
jmaginary
  • WpView
    Reads 65,387
  • WpVote
    Votes 3,247
  • WpPart
    Parts 39
Isang babaeng itim ang buhok na umaalon hanggang sa tuhod, mga matang kayumanggi, at labing simpula ng rosas. Katawan niya'y nakalubog sa tubig at puting bistida'y sumasayaw sa ilalim. Iniangat niya ang kamay, sambit ang mga katagang, "Tulungan mo akong makalaya." Kathang-isip. Iyan ang paniniwala ni Lalaine sa tuwing mapapanaginipin ang misteryosong babae. Subalit, nagbago ang lahat nang sumapit ang kaniyang ika-18 na kaarawan. Mga nilalang na inaakalang produkto lamang ng imahinasyon ay unti-unti nang nagpapakita. Mga engkantong puno ng buhay at mahika, na dati'y binabasa lamang sa libro. Mga diyos na nagsasabing siya ang bunga ng kabutihan at kasamaan. Ang tagapagligtas na tinatawag nila na, "Hiraya Manawari." Amazing book cover by: @Itsmeurguy Published Under 8Letters Publishing
The Felon Mark (Wattys 2020 Winner) (Filipino Dystopian Novel) by Gregor_io
Gregor_io
  • WpView
    Reads 309,226
  • WpVote
    Votes 17,187
  • WpPart
    Parts 65
WATTY AWARDS 2020 WINNER (Science Fiction Category) || COMPLETED || Limang Marka: Elite, Independent, Trooper, Slave, at ang Felon Mark. Mga Markang kumakatawan at nagbubukod sa buong populasyon ng bansang Circa na minsang tinawag na Pilipinas. Taon-taon ay isang malaking kaganapan ang isinasagawa sa bansa. Ang Trial. Kung saan lahat ng kabataan sa edad labimpito ay kinakailangang sumalang sa iba't ibang uri ng pagsubok na siyang tutukoy sa Marka na kanilang kabibilangan. Sa ganitong paraan ay napanatili ng Gobyerno ng bansa ang kaayusan at kapayapaan. Cheska Reyes, na walang ibang hangad kundi makapiling ang kanyang nag-iisang kapatid, ay mamamarkahan gaya ng nakararami. Subalit ang pagkakaroon niya ng marka ay magbubukas sa kanya ng pinto upang makilala ang kanyang sarili . . . maging ang Gobyernong naghahari sa bansa. Sa mundo kung saan marka ang magdidikta kung sino ka. Sa kamay ng makapangyarihang Gobyerno. Paano mo maisisigaw ang iyong tunay na pagkatao? "Marks Dictate Us" 2020 Watty Awards Winner (Science Fiction Category) First Novel of The Watty Awards 2019 Winner, Living Pawns. Highest Rank: #2 in Science Fiction |COMPLETED| A wonderful cover by: -starless A Young-Adult Filipino Dystopian Science-Fiction Novel