my personal library
8 stories
The Story of Us by Laiyarieee
Laiyarieee
  • WpView
    Reads 133
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 13
"Kahit kailan, hindi ako mahuhulog o magmamahal ng taong nakilala ko lang sa internet!" Iyan ang laging sinasambit ni Saries Nona Toscha, isang babaeng may paniniwala sa buong buhay niya na ang pagkilala ng tao sa internet ay magdudulot lamang ng kapahamakan sa sarili niya, lalo na ang pag-ibig dito. Ngunit paano kung dahil sa pangarap niyang maging manunulat ay makakapasok siya sa isang pekeng mundo na hindi niya namamalayan? Paano kung dahil sa pagsusulat, makilala niya ang lalaking nagngangalang Meteor Sky Phoebus Comet na halos kabaligtaran ng kaniyang ugali? Siya na nga ba ang makakapagpabago ng pananaw ng dalaga? O mananatili pa ring sarado ang puso at isip nito sa iba? Makakaya niya kayang baguhin at kontrolin ang sarili niyang istorya? Sasabay na lamang ba ito sa agos? O sadyang matatapos ang kanilang pahina sa trahedya at pighati at tuluyang maghihiwalay ng landas?
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,094,646
  • WpVote
    Votes 187,637
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,599,254
  • WpVote
    Votes 586,109
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,660,231
  • WpVote
    Votes 307,149
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,630,849
  • WpVote
    Votes 631
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
I AM LIRA! by Eli_Moon15
Eli_Moon15
  • WpView
    Reads 15,409
  • WpVote
    Votes 131
  • WpPart
    Parts 4
Im not Laira! I AM LIRA! Kulang ang buong pagkatao ni Lira Montez, napadpad siya sa manila upang maghanap ng trabaho pero pag ibig ang nahanap nya. Mali dahil ito ang nakahanap sa kanya. Bigla nalang may humila sa kanyang napakagwapong lalaki at sinabing siya si Laira! Ang asawa nito! Nagpumiglas sya at pinilit na hindi sya si Laira kundi si Lira pero nakuha parin siya ng lalaki. Ilang beses man nyang tinangkang makatakas sa lalaking yun walang nangyari, at the end of the day na-inlove parin sya rito. Paano ba kasi humantong dito ang lahat? Asawa? Pagsasama? Laira and Lira? Samahan natin siyang tuklasin ang lahat ng katanungan niya. •I AM LIRA!• Cover Illustration by: Jewel Orfiano I wan't to greet my Tita Dimple and Tito Robin! Hi po! And thank you po sa lahat!