Tagalig Fantasy
10 stories
Sa Mundo Ni Calistin by thinseee
thinseee
  • WpView
    Reads 34,914
  • WpVote
    Votes 2,956
  • WpPart
    Parts 28
Sa mundong hindi mo kilala... Sa mga nilalang na ngayon mo lamang nakita... At sa mga kakaibang kakayahang hindi mo inakalang may nagtataglay... Kakayanin mo kayang manatiling buhay? Makagagawa ka ba ng paraan upang matakasan ang mundong iyong kinasadlakan? Si Calistin ay hindi katulad ng ibang normal na tao. Siya ay ipinanganak na may mga kakaibang balat at natatanging kondisyon sa mata na kung tawagin ay heterochromia iridum. Ngunit, iba man ang kanyang itsura ay pinilit niyang mamuhay ng normal kasama ang kanyang ina sa kabila ng mga mapanukso at mapang-husgang kaisipan ng mga tao. Subalit sa isang iglap, magbabago ang kanyang nakasanayang pamumuhay. Mapapadpad siya sa isang lugar na hindi kabilang sa mapa ng mundo. Dito, matutuklasan niya ang mga bagay, lugar at nilalang na ni sa panaginip ay hindi niya inakalang mayroon. Sino nga ba si Calistin? At ano ang kanyang magiging papel sa mundo na kung tawagin ay Archimeria.
Spirits by Slylxymndr
Slylxymndr
  • WpView
    Reads 484,565
  • WpVote
    Votes 24,211
  • WpPart
    Parts 90
Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspiration in making this story from BTTH, TODG and Combat Continent. Itong tatlong Manghuas na ito ay maganda and i recommend you guys to read that. Completed Story
Living with a Half Blood by april_avery
april_avery
  • WpView
    Reads 25,585,678
  • WpVote
    Votes 1,007,217
  • WpPart
    Parts 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silang dalawa lang ang nakatira doon. There are certain times Laura feel someone's presence inside the place. Isa pa ano bang meron sa third floor bakit hindi pwedeng pumunta doon? LIVING WITH A HALF BLOOD Genre: Fantasy Mystery Adventure Romance "She may not be living with normal people." written by: april_avery
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,629,223
  • WpVote
    Votes 586,613
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Sleight Of Magic (COMPLETE) by justshamm
justshamm
  • WpView
    Reads 295,215
  • WpVote
    Votes 10,808
  • WpPart
    Parts 44
Sleight of Magic "Sa buhay niya nakasalalay ang buhay nila" Sa labing siyam na taong gulang na paninirahan ni Harper sa isla na walang ibang katao-tao kumpara sa kaniyang tiyahin ay nakaramdam na siya nang matinding pagkauhaw sa totoong mundo sa labas ng isla. Literal na hindi pa siya nakakaapak sa sibilisasyon kung saan maraming tao ang naninirahan. Wala pa siyang nakikilalang ibang tao bukod sa kaniyang tiyahin. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakalabas siya ng isla ngunit hindi niya na alam kung paano makabalik. Ano nga ba ang dapat asahan sa isang taong ignorante at inosente sa lahat ng bagay katulad niya? Paano ba niya pakikitunguhan ang mga taong ngayon lang niya nakita at ang mga bagay na ngayon niya lang naranasan? Ang sabi ng lahat ay siya raw ang nakaukit sa propesiya na siyang swerte sa kanyang mga kalaban at sumpa sa kanyang mga kakampi. Paano niya haharapin ang lahat kung malaman niya ang madilim na kadahilanan kung bakit siya ipinanganak? At bakit ang lahat ay gusto siyang patayin? Title: Sleight of Magic Genre: Fantasy Date started: November 09, 2017 Date ended: May 30, 2018
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,098,646
  • WpVote
    Votes 187,691
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Sky Academy & The Hybrid Wizard by nicelljoyaberilla
nicelljoyaberilla
  • WpView
    Reads 610,641
  • WpVote
    Votes 15,228
  • WpPart
    Parts 89
Ako si Emily Lee simple lang buhay ko noon ngunit isang araw ng bago ang lahat ang dating ko kinagisnang buhay ay nagbago ang buhay na tahimik ngayon ay naging magulo simula noong mapadpad sa isang iskwelahan hindi ordinaryo.Tara samahan nyo ako sa pagtuklas kung anong hiwaga ang bumabalot sa SKY ACADEMY. paki suportahan po . hihihihi . first story ko po . Enjoy
Star Magic Academy by LouiAnne2427
LouiAnne2427
  • WpView
    Reads 908,106
  • WpVote
    Votes 31,580
  • WpPart
    Parts 54
Isang babae na hindi nainiwala sa magic ay naging tao na may magic, magulo ba? Sya si Trina Mae Smith. Isang ordinaryo na naging immortal May makikilala syang MABAIT, meron ring MASAMA Meron ring magtataksil Al rights reserved. Plagiarism is a crime. ^_^
Legerdemain Academy: Majestic Flair [COMPLETED] by rosieia
rosieia
  • WpView
    Reads 2,742,253
  • WpVote
    Votes 59,153
  • WpPart
    Parts 68
Hindi ko alam kung anong pinasok ko. Basta ang alam ko, sinundan ko ang best friend ko kung saan man sya dinala ng mga lalaking naka-tuxedo. Basta ang alam ko, kailangan nyang pumasok sa Legerdemain Academy, isang prestihiyosong paaralan kung saan nag-aaral daw mga piling mag-aaral. Ayon sa bali-balita, misteryoso daw ang school na iyon. Bukod sa sobrang laki, kakaiba rin ang pamamalakad ng school at pati mga estudyante, kakaiba. Pero wala akong paki-alam. Papasok ako dito at....bahala na. "You don't choose the Academy. The Academy chose you." -BASED FROM THE ANIME ALICE ACADEMY- HIGHEST RANKINGS: #1 - SUPER POWERS CATEGORY 05/11/'18 - 08/03/'18 - 11/06/'18 #1 - MAGIC CATEGORY 06/19/'18 - 08/03/'18 #1 - FLAIR CATEGORY 07/06/'19 #5- FANTASY CATEGORY 11/13/'18 #8 - ACADEMY CATEGORY 10/25/'18
Charm Academy School of Magic by april_avery
april_avery
  • WpView
    Reads 63,590,516
  • WpVote
    Votes 1,772,075
  • WpPart
    Parts 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng kanyang Senior year. Sa isang MAGIC SCHOOL kung saan dating nagtuturo ang kanyang Lola. This story is about magic, adventure, fantasy and romance. Welcome to CHARM ACADEMY: SCHOOL OF MAGIC. Where every charm is power. Written by: april_avery COMPLETED 11/09/13 to 10/03/14 All Rights Reserved 2014 Trailer made by COLILAY