JeanArah06's Reading List
5 stories
Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia Boss by DemLux_Pain
DemLux_Pain
  • WpView
    Reads 11,673,478
  • WpVote
    Votes 431,692
  • WpPart
    Parts 106
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madali ang buhay niya simula pa ng ipanganak siya. Bata pa lang ito ay pinasok na siya sa loob ng military camp upang matuto itong maprotektahan ang kaniyang sarili laban sa mga kalaban ng daddy niya. Lumaking palaban, malakas, mainitin ang ulo at tuso si Carnelia. Sabi nga ng iba ay nasa kaniya na ang lahat kung hindi lang siya panget at mataba. Totoo nga ang kasabihan na walang taong perpekto, kung kaya't hindi siya nabiyayaan ng kagandahan na meron ang mommy niya. Ngunit kahit na naging mahirap ang buhay ni Carnelia ay masaya ang buong pamilya nila. Maayos naman ang lahat, hanggang sa may nangyaring masama na siyang naging dahilan ng pagkasira ng masayang buhay nila. Simula noon ay desidido na si Carnelia na gagawin niya ang lahat para mapaghiganti ang mga taong nanakit sa mga mahal niya sa buhay. Two years! Ganiyan katagal ang paghahanda na ginawa niya para matupad ang kaniyang pangako... Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana! Dala ang masayang balita na natanggap ito bilang financial analyst sa malaking kompanya ay nangyari naman ang isang trahedya na babago sa kaniyang buhay... Being kidnapped by an unknown group... Being experimented... Tortured... And died horribly! ... But as soon as Carnelia opens her eyes, she knows that she's in trouble! She became someone else! The worst part is that she figured out that her new body's owner is Heavenhell Athanasia Caventry. The supporting character in her favorite novel is known for being the stupid daughter of the mafia boss! _________________________________________ Written by: DemLux Pain
Elemental Mage Book 3 (Tarieth) by xiantana
xiantana
  • WpView
    Reads 445,687
  • WpVote
    Votes 18,392
  • WpPart
    Parts 93
Lumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensayo at pag aaral ang inaatupag ni Tarieth. Hanggang sa dumating ang araw na lisanin niya ang Elvedom. Hindi pala madali iyon lalo na ng mamuhay siya kasama niya ang mga mortal na tao. They are capricious lot. And most of them are corrupt! Ito ba ang pamumunuan niya? Ito ba ang pinaghirapan niya para sagipin? They deserved what happened to them! Kung hindi dahil sa mga kaibigan niya ay lalayasan niya ang mundo ng mga mortal at hahayaan niyang mabulok ang mga ito. Dadalhin niya ang mga kaibigan sampu ng mga pamilya ng mga ito sa kanyang mundo. Pakialam niya sa iba! Yan ay kung siya ang masusunod. Swerte ng mga mortal...malas niya. *This book is copyright protected.*
Elemental Mage Book 2 (Tempest) by xiantana
xiantana
  • WpView
    Reads 213,339
  • WpVote
    Votes 7,253
  • WpPart
    Parts 35
Sa loob ng matagal na panahon inilihim ng angkan ni Tempest ang kanyang kapangyarihan. Isa siyang elemental mage, may kapangyarihan siya sa hangin at tubig. A kind of power that was lost, a long, long time ago. Pero sa pagsapit niya sa edad na sampung taong gulang, kailangan na niyang sumailalim sa Selection upang magsimulang mag-aral sa Quoria's University of Elemental Mages. Ang pinakatanyag na paaralan sa buong lupain ng Imperyo ng Quoria. Nararamdaman ni Tempest na lalong lumalakas ang kanyang kapangyarihan pero naroon ang takot sa kanyang dibdib. Tatanggapin kaya siya ng mga tao pag nalaman ng mga ito ang totoo? Hindi rin nakatulong ang pagiging apo niya sa lolo niyang isang High Mage at ang lola niyang isang Commander General sa kaharian ng Quoria. Makakaya kaya niyang kontrolin ang malakas niyang kapangyarihan at bakit pakiramdam niya kailangan niyang magsanay dahil darating na ang taong kahit buhay niya ay kanyang ibubuwis masiguro lang ang kaligtasan nito?
Elemental Mage Book I (Brynna) by xiantana
xiantana
  • WpView
    Reads 199,163
  • WpVote
    Votes 7,140
  • WpPart
    Parts 21
Si Brynna Whitethistle ay isang makapangyarihang Mage. May kakayahan siyang manipulahin ang tubig at lupa, dalawa sa apat na elemento. Ang isang Mage na kayang magmanipula ng mahigit sa isang elemento ay tinatawag na Elemental Mage. Pero ang mga Elemental Mages ay matagal ng nawala ilang daang taon na ang nakaraan. Gaano man kalakas ng kapangyarihan ni Brynna ay walang silbi iyon dahil iniiwasan siya ng kanyang mga Masters at mga kaklase dahil sa pagiging anak niya sa isang preserver sa Palan. Pero biglang nagbago ang buhay ni Brynna ng isang gabi ay ipinagtapat sa kanya ng kanyang nakagisnang ina na hindi pala siya nito tunay na anak. Ngayon ay kailangang maglakbay si Brynna patungo sa Brun upang makilala ang tunay na mga magulang. Ngunit pagdating sa Brun ay napag-alaman ni Brynna na may kumakalat na nakakamatay na sakit, ang Black fever. Sa lakas ng kapangyarihan ni Brynna alam niyang may kakayahang siyang magamot ang sakit ngunit ang tanong ngayon ay kung paniniwalaan ba siya ng mga HealerMage sa Brun gayong isang apprentice lang siya ng isang preserver? At higit sa lahat sampung taong gulang lang siya.
South Academy by koorin
koorin
  • WpView
    Reads 1,369,493
  • WpVote
    Votes 47,022
  • WpPart
    Parts 60
[ Date Published: 2017 ] Isang kasunduan ang nagtulak kay Xhiara upang magbalat-kayo para makapasok sa paaralan ng South Academy na hindi dapat nyang paki-alaman at hindi dapat puntahan. -btgkoorin- Highest Rank in Fantasy • Rank #8 (04-24-20) • Rank #6 (04-27-21) • Rank #7 (01-06-23) Mystery • Rank #2 (07-07-21) • Rank #5 (06-22-23) Action •Rank #1 (09-21-22) ▪︎©️Pinterest - 👩▪︎ Date Started: November 13, 2017 Date Ended: February 4, 2019