heart-tugging romance ♡
4 stories
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,173,743
  • WpVote
    Votes 182,349
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,665,911
  • WpVote
    Votes 307,264
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
548 Heartbeats (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 3,939,065
  • WpVote
    Votes 64,972
  • WpPart
    Parts 56
Nalilimitahan nga ba ang bilang ng tibok ng puso para sa isang tao? Ang gusto lang naman ni Xei, isang estudyante mula sa Section I ng isang science high school, ay matataas na grades at tahimik na "crush" life. Tanggap naman niya na imposibleng magustuhan siya ng crush niyang sobrang nagpatibok ng puso niya sa una pa lang nilang pagkikita at heartthrob ng batch nila -- si Kyle. Pero magugulo ang tahimik niyang buhay nang dahil sa mga di inaasahang pangyayari: nang magustuhan siya ng kaibigan ni Kyle na si Chris, nang magustuhan ni Kyle ang kaibigan niyang si Rai . . . at nang mapalapit siya kay Kyle na mas nagpalala ng mga nararamdaman niya. Dito higit matututunan ni Xei na hindi lang basta-basta sinusunod ang tibok ng puso, lalo na kung may masasaktan -- kailangang pag-aralan din. Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2013 (translated in English). Now available in bookstores nationwide. Its anniversary version (with added content and special chapters!) is published by KPub PH © 2023.