coupslisp
Sa gitna ng maingay at makulay na Cebu City, matagal nang kinalimutan ni Y/N at ng siyam niyang kaibigan ang lihim na samahang bumuo sa kanilang kabataan - ang A.U.R.A., isang grupo ng mga batang naniniwala sa mahika, kapangyarihan, at koneksyon na walang hanggan. Ngunit isang gabing puno ng ulan at sigawan ang nagbago sa lahat, at kinabukasan, naglaho si Mina na parang hinigop ng dilim. Makalipas ang ilang taon, isang misteryosong sulat ang dumating sa pintuan ni Y/N, dala ang lumang simbolo ng A.U.R.A. at mga salitang matagal na niyang gustong marinig: "Come home." Sa muling pagkikita ng barkadang matagal nang nagkawatak-watak, mabubuksan muli ang mga lihim, sugat, at sumpang iniwan ng nakaraan. Sa pagbalik nila sa lumang bahay sa Lahug, marerealize nila na may mga larong hindi dapat nilalaro, at may mga pangako na hindi kailanman puwedeng baliin.
"Some circles never break."