Romace
40 stories
The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 102,757
  • WpVote
    Votes 1,852
  • WpPart
    Parts 10
PUBLISHED: May 2011 Dalawa ang rason ni Marivic kaya pumayag siya sa pakulo ng kanyang ina na makipag-date siya kay Lance. Una, gusto niyang makuha ang pinakaaasam na bakanteng unit sa commercial building na pag-aari ng pamilya niya para sa itatayo niyang studio. Pangalawa, gusto niyang mapanatag ang kanyang ina na wala siyang balak sumunod sa yapak ng mga tiyuhin at tiyahin niya na pawang matatandang binata at dalaga. Si Lance naman ay pumayag sa kapritso ng kanyang ina alang-alang sa pinakamamahal nitong negosyo. At para masiguro na makukuha nila ang kanya-kanyang gusto, nagkasundo sila na magpanggap na nagkakamabutihan. Pulido at walang palpak ang drama nila. Pero sa malas, ang puso yata niya ang pumalpak. Sineryoso niyon masyado ang pagpapanggap nila ni Lance kaya ngayon ay nasa bingit ng panganib iyon dahil alam niyang hindi siya ang tipo ng babae ni Lance...
Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 949,070
  • WpVote
    Votes 18,829
  • WpPart
    Parts 22
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng papa, Nick! Buong pait niyang sinabi. " I cannot imagine that he trusted you that much!" nanunuyang dugtong niya. Sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "...at hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisa-isa niyang anak!" Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng papa niya ay hindi siya makaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?
Ang Lalaking Sumira Sa Aking Mga Pangarap [PHR Novel - Completed] by Leonna_PHR
Leonna_PHR
  • WpView
    Reads 60,346
  • WpVote
    Votes 1,121
  • WpPart
    Parts 10
"Kung katawan lang ang habol ko sa 'yo, hahabulin pa kita lalo para makuha ko ang puso mo... Because you already got mine." Pangarap ni Valiana ang maging katulad ng kanyang Tiya Roselda. Nais niyang maging isang kinatatakutang guro sa paaralan. Nais niyang magmukhang manang. At higit sa lahat, nais niyang tumandang-dalaga katulad ng tiyahin. Kaya sa unang araw ng klase ay ipinakita na ni Valiana ang pagkaestrikta sa kanyang mga estudyante. Ngunit may isang batang mapang-asar na nagpakilala sa kanya-si Brahma. Agad na ipinatawag niya ang mga magulang ni Brahma dahil sa asal na ipinakita ng bata. Kinabukasan ay humarap kay Valiana ang daddy ni Brahma na si Shiva de la Valenciana. Nang magtama ang mga mata nila ni Shiva ay nakaramdam siya ng kuryenteng dumaloy sa mga ugat at drumroll sa kanyang dibdib. She even described the guy in detailed narration in her mind! Paano na matutupad ang mga pangarap niya kung masisira lang ang mga iyon ng isang lalaking saksakan ng lakas ang sex appeal at may nag-uumapaw na hunkylicious features?
  Love Made In Palawan/By: CHARLIE DIAZ by jericmayette
jericmayette
  • WpView
    Reads 27,696
  • WpVote
    Votes 145
  • WpPart
    Parts 13
Love Made in Palawan Hindi inakala ni Gelai na Ang matagal na niyang pangarap na bakasyon sa malaparaisong isla Ng coron,Palawan ay magiging Isang honeymoon Kasama Ang mayamang si Eric del Mundo.Ang mapagkamalang fiancee Ng lalaki at makasama ito Ng apat na araw sa iisang kwarto ay higit pa sa kanyang inaasahan.Sa kabila niyon ay nagawa pa rin niyang i-enjoy Ang pangarap na bakasyon habang iniiwasan Ang tumitinding atraksyons sa lalaki. Hanggang sa tuluyan na siyang nahulog sa lalaking malapit na palang matali sa iba... Published under phr
Ikaw Ang Simula by Malou Domingo by LittleMissBonita
LittleMissBonita
  • WpView
    Reads 26,041
  • WpVote
    Votes 325
  • WpPart
    Parts 12
IKAW ANG SIMULA by Malou Domingo Published by Precious Pages Corporation "Don't look at me that way. You drive me crazy." ©️Malou Domingo and Precious Pages Corporation
My Deceitful Sweetheart by Cora Clemente by LittleMissBonita
LittleMissBonita
  • WpView
    Reads 39,462
  • WpVote
    Votes 397
  • WpPart
    Parts 12
MY DECEITFUL SWEETHEART by Cora Clemente Published by Precious Pages Corporation "Hindi kita hinanap, ako ang nilapitan mo. Hindi kita inakit, ikaw ang nanligaw." ©️Cora Clemente and Precious Pages Corporation
One Night With Mr Gorgeous_Complete by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 1,073,747
  • WpVote
    Votes 22,959
  • WpPart
    Parts 17
One Night With Mr. Gorgeous by La Tigresa "I'm not going to marry you, Theo." "And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko." Natameme si Arielle. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway." Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya! 'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.' Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco? Of course not! HIGHEST RANK : #24 in Romance #21 in random #5 in PHR PHR top 2 Best Seller for the month of March 2017 ================================
❤Heaven's Love (COMPLETED; Published Under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 68,588
  • WpVote
    Votes 1,338
  • WpPart
    Parts 10
"Papatulan ko lahat ng kabaliwan mo, just to make sure na hindi ka mawawala sa akin. I'd rather look stupid than to spend my whole life without you near me." Hindi inaasahan ni Heaven na tototohanin ng kanyang ama ang sinabi nito na ipinagkasundo siya nito kay Kurt Tan. Kapag hindi raw siya nagpakasal kay Kurt, kahit singkong duling ay wala siyang matatanggap na mana. Pero sadyang matigas ang ulo niya. Tumakas siya. Wala siyang alam na mapupuntahan maliban sa bahay ng kaibigan niya noong college. Kaya bitbit ang napakataas na pride niya ay nagtungo siya sa isang liblib na bayan sa Quezon para doon magtago. Doon niya nakilala si Christian Opeda. She fell in love with him. Masaya na sana siya sa bagong buhay niya pero noon naman siya natunton ng mga magulang niya. Kulang na lang ay magmakaawa siya para lang hayaan na siya ng mga ito. At halos mamatay siya nang malaman niyang ang nagturo ng kinaroroonan niya ay ang walanghiyang si Christian!
Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My Heart (Teaser) by Imperfect_Philozoic
Imperfect_Philozoic
  • WpView
    Reads 281,293
  • WpVote
    Votes 3,292
  • WpPart
    Parts 27
Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of her past. She was six weeks pregnant. Ayon sa lahat ay isa siya sa dalawang taong nakaligtas sa isang banggaan ng bus at pickup truck na nahulog sa bangin. She was told days later that she was Mrs. Emmy Javier, ang asawa ng isa pang nakaligtas sa aksidente. Subalit paanong hindi niya maramdaman na asawa nga niya si Philip Javier? Totoong wala siyang maalala sa nakaraan niya, pero hindi ba at hindi naman nakalilimot ang puso? Bakit sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang pananabik sa ibang lalaki? Lalaking sa palagay niya ay kabahagi ng pagkatao niya?
GEMS 31: Hello Again, My Heart by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 109,285
  • WpVote
    Votes 1,932
  • WpPart
    Parts 21
Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked like Regina, walked like Regina, and smelled like Regina. He even thought she was his wife who disappeared almost five years ago and was playing games with him. But Faith Bengson's records showed she was exactly who she was. Hindi gusto ni Rand na ibigin at mahalin si Faith sa kabila ng iyon ang pabulusok na pinatutunguhan ng damdamin niya. He didn't want to forget the vow he'd made to his wife. His whole heart was filled with memories of Regina bittersweet memories that had kept him going. Subalit gumagawa ng daan si Faith patungo sa puso niyang tangi lang para kay Regina. _______ All credits goes to Martha Cecilia! :)