Melai
178 stories
It's Gonna Be Love (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 97,532
  • WpVote
    Votes 1,633
  • WpPart
    Parts 10
Hindi matatawaran ang inis na nararamdaman ni Cindy kay Colt tuwing nakikita niya ito. Nalaman kasi nito na pinagpapantasyahan niya ang kaibigan at kabanda nito na si Milo. Dahil sa kagustuhan niyang mapalapit sa iniirog ay nilapitan niya ito at nagpatulong na "ilakad" siya kay Milo. Pumayag ito ngunit binigyan siya nito ng kondisyon: kailangan niyang maglinis sa apartment nito tatlong beses sa isang linggo. Walang nagawa si Cindy kundi pumayag. Iyon lang ang tanging paraan para magkaroon ng katuparan ang fairy-tale love story nila ni Milo. Sa bawat araw na kasama niya ito ay unti-unting nagbabago ang nararamdaman niya para kay Colt. Sa halip na si Milo ang laman ng panaginip at pantasya niya ay ito ang naging perma- nenteng namamahay sa isip niya. Lalo lang niyang nasiguro na mahal na niya ito nang ma-threaten siya sa mga babaeng umaaligid dito. Ngunit mukhang kahit ano pa ang gawin niya ay hindi rin magkakaroon ng katuparan ang love story nila dahil pagtinging-kaibigan lang ang nararamdaman nito sa kanya.
Love Links 3: From My Arranged Marriage to My Bogus Wedding [COMPLETED] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 76,572
  • WpVote
    Votes 2,851
  • WpPart
    Parts 20
Alyssa Montenegro was a timid rich girl who supposed to marry a man chosen by her parents. Isang areglong kasalang magliligtas sa ari-arian ng kanyang pamilya. Subalit sa araw mismo ng kasal niya ay nahanap niya sa sarili ang lakas ng loob upang magkaroon ng sariling desisyon. She escaped her very own wedding running desperately on her wedding dress. Nathan del fiero, isang elite businessman na nakatakdang ikasal sa pinakamamahal niyang nobyang si Bianca. But his girlfriend ditched him on their wedding day. Two souls met on the very same time. One was wounded. The other was desperate. Isang tumakas at isang tinakasan ang nagkatagpo ng landas. Nagkasundo ang dalawang magpakasal. But the wedding itself would be bogus. Para kay Alyssa, ay upang matutulungan niya ang mga magulang niya nang hindi sinasakripisyo ang sarili niya. And for Nate, it was to save his family's reputation. Saan hahantong ang kunwa-kunwariang relasyon sa birong nilikha ng pagkakataon?
Thirty Last Days by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 182,316
  • WpVote
    Votes 4,173
  • WpPart
    Parts 11
(published under PHR) May mga naghahanap po ng story na ito sa akin. Ilang taon na rin po mula nang ma-published ito kaya siguro hindi na makita sa stores. Kaya ito ang naisip kong unang i-post rito. Sana po ay magustuhan nyo. Enjoy reading! :) "Truth or dare?" Nakangiting tanong ni Cassandra kay Jethro nang tumapat sa dating boyfriend ang nguso ng boteng ipinaikot niya. "Dare." Muli siyang ngumiti. "Sige, inuutusan kita. Mahalin mo 'ko uli." Nang matahimik ang mga kasamahan ay sinikap ni Cassandra na tumawa. "Pwede bang 'truth' na lang? Wala na kasi akong ibang maisip na ipagawa sa 'yo... maliban sa ang mahalin ako." "Fine," parang napipilitan na lang na sagot ni Jethro. "Truth." "Okay. If there's one thing that you want to tell me, what will it be?" Tinitigan siya ni Jethro nang deretso sa mga mata. "Bakit bumalik ka pa?" Natigilan si Cassandra. Paubos na ang tatlumpung araw na palugit sa kanya para makasama si Jethro. Pero mababawi niya pa kaya ito bago tuluyang angkinin ng iba kung sagad hanggang langit ang galit nito sa kanya?
RANDY'S Sweetheart 01: My Enemy, My Dream Girl by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 134,235
  • WpVote
    Votes 2,444
  • WpPart
    Parts 13
This is the first of five books and the very first mini series that I did for Precious Hearts Romances. All five books were approved; four are already published. This series is about five boys and their journey to find their one true love. RANDY stands for each heroes name. R - Russell A - Antonio Carlos or Ace N - Nicandro or Nico D - Dash Angelo or Dash Y - Yvo Israel or Yael Book 1: My Enemy, My Dream Girl - Dash and Jane Book 2: Loving A Stranger (Somebody's Me) - Nico and Cha-Cha Book 3: From Hongkong with Love (At Last!) - Russell and Grace Book 4: Faraway - Ace and Rose Book 5: Destiny - Yael and Maggie
WORTH THE WAIT (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 99,239
  • WpVote
    Votes 1,585
  • WpPart
    Parts 13
Isang sutil na binatilyo pa lang si Greyson nang makilala ito ni Leila. Leila was tasked to look after him. Tinanggap niya ang alok na iyon dahil nawalan siya ng trabaho at mapapalayas na sa inuupahang apartment. Pinagtiyagaan niya ang mga kalokohan ni Greyson dahil wala namang ibang nakatagal sa binatilyo. Sa katunayan si Leila lang ang nakapagpatino kay Greyson at sa kanya lang naramdaman ng binatilyo ang concern na hindi nito nadama sa sariling mga magulang. The inevitable happened. Nagpahayag ng pag-ibig si Greyson kay Leila. Una na iyong tinutulan ni Leila. Greyson was far too young for her. Seven years ang gap ng kanilang mga edad. Ngunit mapilit si Greyson. Dumating ang panahong hindi na rin mapigil ni Leila na mahulog ang damdamin sa binatilyo. Inaasahan na ang pagtutol ng ina ni Greyson kaya gumawa ito ng paraan upang mapilitang umalis ni Leila. Iyon nga ang ginawa ni Leila sa pag-aakalang makabubuti iyon sa kanilang relasyon. Umasa rin siya na sa muli nilang pagkikita ni Greyson ay magiging tama na ang panahon para sa kanilang pagmamahalan. Makalipas ang ilang taon ay muli silang nagkita. At taliwas sa inaasahan ni Leila, kabaligtaran ang nangyari. Dahil ibang Greyson na ang kaharap niya-mula sa isang binatilyong labis na nagmamahal sa kanya ay isa na itong lalaking abot-langit ang pagkamuhi sa kanya...
Duke Sebastian by ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Reads 101,072
  • WpVote
    Votes 2,009
  • WpPart
    Parts 16
"Remind me that you love me always" Dinukot si Lara sa araw ng kanyang kasal. Lalo siyang nalito nang dalhin siya ng lalaking nagpakilalang Duke Sebastian sa Forbidden Island, isang malaparaisong isla. Itinago sa kanya ng guwapo ngunit antipatikong lalaki ang dahilan kung bakit siya dinala nito roon. Ang nakapagtataka, para sa isang abducted bride ay sinabi ni Duke na malaya siyang mamasyal sa isla at gawin ang gusto niya. Unti-unti, napansin ni Lara ang magagandang katangian ni Duke. Ang malungkot na mga mata nitong tila may itinatagong lihim, ang mapupulang labi na tila kayang magpawala ng katinuan ng sino mang babaeng hahagkan nito. Suddenly, naalerto ang mga pandama niya. Maging ang tibok ng puso niya ay kumokontra sa sinasabi ng isip niya. At nang hagkan siya ni Duke at yakapin ay para bang noon lang siya nakadama ng tunay na pagmamahal. Nang sa wakas ay matuklasan ni Lara na may kinalaman sa fiancé niya kung bakit siya dinukot ni Duke, noon din niya natuklasan na umiibig na siya sa lalaki. Totoo kaya ang pag-ibig na ipinadama ni Duke sa kanya, o bahagi lang iyon ng pinlano nitong paghihiganti? This was published in PHR, I quess okay lang naman kung share ko dito. I remember, 'yong heroine dito ang name ng dating workate ko na adik sa PB
Way To Your Heart (Published Under PHR, 2010) by AkoSiAnjBuena
AkoSiAnjBuena
  • WpView
    Reads 77,120
  • WpVote
    Votes 1,078
  • WpPart
    Parts 10
Pangalawa ang WTYH sa story ko. Itinuturing ko itong 'fruit' ng workshop ko sa PHR. Hihi. I was really inspired at that time. Marami akong natutunan sa isang buwan na workshop. Kaya sana ay magusutuhan ninyo ang story na ito. Pagpasensya na lang ninyo ang ilang loopholes. Hehe. Happy reading ",)
Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015) by YaneyChinita
YaneyChinita
  • WpView
    Reads 175,106
  • WpVote
    Votes 3,167
  • WpPart
    Parts 13
Found You (January 2015) by Yaney Matsumoto "I love you. You're my present and you're definitely going to be my future." Hindi alam ni Marla kung matatawa o magagalit sa kanyang ama nang sabihin nito na ipapakasal siya sa anak ng best friend nito. At dahil mukhang desidido ang kanyang ama sa pinaplano ay naglayas si Marla sa kanila. Dahil sa labis na sama ng loob at kadesperaduhan ay naisipan niyang maglasing sa isang bar para pawiin ang lungkot at sama ng loob. And then she met Micky, the man who sat next to her. And one thing lead to another. She spent the rest of the night with him in his hotel suite! Ang akala ni Marla ay hindi na muling magtatagpo ang mga landas nila ni Micky. But she got the biggest irony of her life! Because the man whom she refused to get married to was the same man she had a one-night stand with! Unti-unting nahulog ang loob ni Marla kay Micky sa mga araw na lagi niyang kasama ang binata. Ngunit naputol ang lahat ng sayang naramdaman niya nang malaman ang pinakatatagong sekreto ng binata-matagal nang mahal ni Micky ang stepsister nito... *note this version is raw / unedited so beware of the grammatical errors here, there and everywhere~ and yesss, this is a spin-off my novel Once And For Always. So if you haven't read that, go check it out. :) Please enjoy reading! :) PS Micky here was inspired of Micky Yoochun of DBSK / JYJ. He's my 2nd bias in JYJ eh. I love him ♥
Dangerously In Love [COMPLETED] by writershiie
writershiie
  • WpView
    Reads 9,917
  • WpVote
    Votes 259
  • WpPart
    Parts 12
Nang ma-ospital ang kapatid ni Madelyn ay sinulong niya si Keith Montalban, isang notorious underground fighter, para mag-demand na bayaran nito ang hospital bills ng kapatid niya. Ito kasi ang dahilan kung bakit na-injured at puno ng pasa ang kapatid niya. Hindi nito na-appreciate ang panggugulo niya rito ngunit dahil sa pangungulit niya ay pumayag ito. Ngunit may kapalit-magmo-model siya rito habang suot ang isang Pikachu pajama suit. Medyo na-weirduhan siya sa kapalit nito ngunit mas pipiliin niya iyon kaysa ang pagkababae niya ang hilingin nitong kapalit. Ang buong akala ni Madelyn ay hanggang doon lang ang pagkikita nila ngunit nagkamali siya dahil isang araw ay bigla itong sumulpot sa diner na pinagtatrabahuan niya. Siguro may plano ang tadhana dahil hindi come and go ang binata sa buhay niya. Sa halip ay naging hero niya ito nang malagay sa panganib ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay namalayan na lang niyang nahuhulog siya, she was dangerously falling in love with the underground fighter. Ngunit paano kung ang dahilan ng muling pag-aagaw buhay ng kapatid niya ay kagagawan na naman nito? AUTHOR'S NOTE: Hello, guys. Ito po ang kauna-unahang MS ko na ni-return po ng PHR. Haha. Maraming factors kung bakit na-return ang MS pero dun ako natawa sa feedback na parang hindi daw dito sa Pilipinas ang setting ng story. Haha. Puro English novels kasi ang binabasa ko lately kaya ayon, English novel-inspired tuloy ang kinalabasan ng story. Haha. Tanggap ko naman na na-return siya pero hindi ko mapigilang manghinayang. I enjoyed writing the story at naisip ko, sayang naman kung itatago ko lang ito sa hard drive ko. Kaya 'eto, naisip kong i-publish na lang sa Wattpad. Sana mag-enjoy rin kayo sa love story nina Keith at Madelyn. Huwag rin po kayong mahiyang mag-comment. Nagpapa-inspire kasi 'yon sa akin. Thankies! Xoxo!
A Home In His Arms COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 936,663
  • WpVote
    Votes 13,379
  • WpPart
    Parts 42
A Home In His Arms By Aya Myers