Roseandtulips31
Mga kwentong binubuo ng saya, tamis at pait. Tadhana na nakalaan sa bawat karakter na maaaring salamin ng buhay pati ng mga sarili. Damdaming pumupukaw sa iyong puso't isipan upang matunghayan ang bawat pahina ng mga binuong kwento. Kasiyahan at kaligayan mararamdaman, tamis ng mga araw at gabing nagdaan, hirap at pait na humuhubog at dumudurog din sa kanilang pagkatao.
Ang antolohiya na ito ay hindi basta lamang kwento na naisulat kundi nagbibigay ng mabuting aral, kaalaman at inspirasyon sa bawat mambabasa. Sa pagbuklat ng mga pahina matutunghayan ang iyong sarili maging mga karanasan sa araw-araw na pamumuhay.
Kaya't huwag mag-atubiling basahin ang mga kwento nailahad dito sapagkat malalaman mo ang tunay na halaga ng buhay, pag-ibig, pagmamalasakit, katapatan at sakripisyo na magsisilbi rin gabay para sa'yo.