seominrin's Reading List
7 stories
Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2) by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 16,880
  • WpVote
    Votes 857
  • WpPart
    Parts 17
"I will never let go of this hand. If you find the situation too hard for you. Then, share your pain with me. You don't have to be alone anymore." Teaser: A Princess' Confession I am broken inside. I wanted to scream. I even cried out for help, but no one's there, except darkness. Nobody held my hand when I reach them. Sinubukan kong sabihin sa kaibigan ang sitwasyon ko. Pero tinawanan lang nila ako, ang sabi nila, it's all in my mind. Damn! The emptiness inside is killing me. Kapag nakaharap ako sa ibang tao, palaging pekeng ngiti ang binibigay ko sa kanila. Nagkukunwari na okay lang ako, na maayos ang lagay ko. Pero sa gabi ay hindi ako pinapatulog ng kalungkutan na halos mag-iisang taon ng unti-unting pumapatay sa akin. I'm trying to be a better person that my Dad wanted me to be, pero hindi ko kaya. Sa bandang huli, I am a failure. Because I can never meet his expectation. When his Assistant who was that time my private tutor, sexually molested me, wala pa rin akong nagawa, ni hindi ko magawang magsumbong dahil natatakot akong saktan niya si Daddy. So, I kept that nightmare in me. When my best friend died, everyone blamed me. Maybe, yes, it was my fault. At sa loob ng ilang taon, parang bangungot na paulit-ulit nagre-replay sa aking isipan ang paninisi ng mga tao. Hanggang sa dumating ang araw na wala na akong makitang dahilan para huminga. And then, I begged. "Please, let me escape this pain. I can't take it anymore." Nakasilip ako ng pag-asa ng dumating ka sa buhay ko. Nangako ka na sasamahan ako sa lahat ng laban ko. Akala ko magiging okay na ang lahat. Pero nagkamali ako, lahat ng mayroon tayo, lahat ng ito ay bunga lang ng iyong awa.
Love Confessions Society Series 5: Makaio Pederico (Tanangco Boys Batch 2) by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 17,218
  • WpVote
    Votes 1,014
  • WpPart
    Parts 18
"There's no need for you to ask, why can't you have me? Dahil simula ngayon araw na iyon, I am all yours, pati ang puso ko iyong-iyo na, one hundred percent." Teaser: Another Bestfriend's Confession A kiss. Nagbago ang lahat dahil sa isang halik. Ikaw ang babaeng nasasabihan ko ng lahat tungkol sa buhay ko, masaya man o malungkot. Kilala natin ang isa't isa, what we like, what we hate, every bit of information in our lives, we make sure to share it with each other. Pero mayroon isang bagay akong hindi sinasabi sa'yo. I love you, Prue. I mean, I'm in love with you more than just a friend. Natatakot akong sabihin sa'yo dahil alam kong hindi ako ang pipiliin mo, because you are committed to my cousin. Mas mabuti ng nasa tabi kita bilang kaibigan kaysa mawala ka ng tuluyan sa buhay ko. Mas mabuti ng nasasaktan ako ng palihim kaysa ikaw ang masaktan. If I could just turn back the hands of time, I should have told you what I really feel. I should've told my cousin that I also love you. But I was stupid, I still am. Dahil hanggang ngayon, wala pa rin akong magawa para masabi sa'yo ang totoo. I am such a coward. Honestly, I prayed last night. I asked God to give me a day. Isang buong araw, hindi lang para makasama ka kung hindi para maiparamdam ko sa'yo na kaya kitang pasayahin, hindi bilang kaibigan kung hindi bilang lalaking nagmamahal sa'yo. I will shower you with my love, I will give you the happiness you will not find to anyone else. Hanggang sa maramdaman mo na ayaw mo ng umalis sa piling ko. If only that day will come. If only...
Love Confessions Society Series 4: Maceo Luciano (Tanangco Boys Batch 2) by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 27,845
  • WpVote
    Votes 1,457
  • WpPart
    Parts 20
Ang kuwentong ito ay para sa PINAASA, UMAASA at AYAW NANG UMASA. Warning! 1. Huwag iinom habang nagbabasa dahil baka maibuga mo. 2. Exercise your jaw, baka kasi mag-lock kakatawa mo. 3. Huwag kakain ng BOPIS kung nasa Chapter 1 & 2 ka pa lang. Baka maisuka mo. Disclaimer! Suma-akin ang kaluluwa ni Panyang habang sinusulat ang kuwentong ito!
Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2) by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 29,282
  • WpVote
    Votes 1,326
  • WpPart
    Parts 23
"If I didn't make it as your leading man on this stage play. Siguro naman qualified ako in real life." Teaser: A Rich Man Son's Confession The girl's name is Darlene, and music brought her to me. Nakilala ko siya sa mga panahon na kailangan niya ng makakapitan at tutulong sa kanya. Dumating siya sa buhay ko, sa mga panahon na wala akong pakialam sa iba maliban sa sarili ko. Hindi ko akalain na magiging makabuluhan ang lahat dahil kay Darlene. Para lang pumayag ako na maging leading man niya sa Musical Play, akalain n'yo ba na niligawan niya ako? I was too overwhelmed with what she did, kaya naisip ko sakyan ko na lang ang gusto niya. Hindi naman talaga ako papayag, pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na masaya kasama siya. Hanggang sa tinanggap ko ang offer niya, I became her leading man. Hindi ko akalain na darating ako sa punto na, pati sa totoong buhay ay gugustuhin ko na maging leading man ni Darlene. But things aren't easy as I thought it should be. Pinaalala sa akin ng pagkakataon na hindi nga pala ako ang mahal ni Darlene, at may hinihintay siyang bumalik. Nang bumalik ang lalaking tunay niyang mahal. He confronted me. But I casually deny what I feel. Okay na dapat ang lahat, di ba? Okay lang naman sa akin kung hindi niya ako mahal, kahit na nasasaktan ako. Lalaki ako at kaya kong i-handle ang nararamdaman ko. Pero bakit parang nasasaktan din siya?
Love Confessions Society Series 2: Channe Lombredas by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 28,203
  • WpVote
    Votes 782
  • WpPart
    Parts 10
"I searched for my freedom and I found that when you came into my life." Teaser: A Fanboy's Confession Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang confession na ito. Gaya ng ibang mga kaibigan ko, mayroon din akong first love, pero ang pagkakaiba namin. Walang nakakaalam nito kung hindi ako lang. Bakit ko nga ba kailangan ilihim? Because the girl that I love is unreachable. She's the brightest star in my eyes, and in my heart. Her name in Nigella Cruz. Sometimes, she's right in front of me, but I can't reach her. Near yet so far. Pero may isa pa akong lihim, sa tuwing hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya. I became her number one basher online, it's not that I hate her, kung hindi, iyon lang ang nakikita kong paraan para maiparating sa kanya ang kamalian niya. Hanggang sa hindi ko akalain na darating ang panahon na magagawa ko na abutin ang mga kamay niya, makikita ko ng malapitan ang kagandahan niya. Heaven made a way for me to enter her heart, and I am the happiest man alive! Sa wakas, napansin na rin niya ako. Sa wakas, may pagkakataon na akong sabihin na mahal ko siya. But truly, love is not always about sweet dreams, nakalimutan ko na may nightmares din pala. Nasaktan kita, pero mas doble ang sakit na binalik mo sa akin. Then I thought, maybe... it's time for me to give you up, don't you think?
Love Confessions Society Book 1: Ren Cagalingan (UNEDITED) (APPROVED UNDER PHR) by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 38,951
  • WpVote
    Votes 1,115
  • WpPart
    Parts 11
His Confession I have a confession to make, about a girl named Yelena. She is my childhood sweetheart. Lumaki ako at nagkaisip na siya ang palaging kasama ko. Nang matutunan ko ang kahulugan ng salitang "pag-ibig", nalaman ko rin na si Yelena ang pag-ibig ko. Hindi naging madali para sa amin ang lahat. Dahil sa akin, naghirap si Yelena, nasaktan, at paulit-ulit na lumuha. I suddenly realized one day the gap between us. Sa paglipas ng mga araw, lumayo ang loob niya sa akin. And before I knew it, she already hates me. I felt like she suddenly became a stranger. I tried reaching out but she keeps rejecting me. I also hated her that time, alam ko naman na mahal din niya ako. Pero palagi ko siyang natatagpuan kasama ang iba, and jealousy is killing me inside. Hanggang sa dumating ang isang pangyayaring nagbigay linaw sa akin. Kung bakit siya lumalayo, and why she keeps rejecting me. All these time, I didn't know I am hurting her. And that's how fool I am, mas naniwala ako sa iba kaysa sa babaeng mahal ko.
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,099,251
  • WpVote
    Votes 187,695
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018