floralstaraya
Sa isang secret and exclusive trip sa Baguio City ay up-close-and-personal na makakasama ni Christine- isang fan fiction writer na sumusulat ng mga kwento tungkol sa KPOP boy group na Popsicles- si Jinyoung, ang leader ng grupong hinahangaan niya na kilalang kumukuha ng inspirasyon sa paggawa ng mga kanta mula sa babaeng minamahal nito.
Ang paglalakbay nila sa lugar na iyon ang magiging hugot sa mga susunod na berso at kabanata na gagawin nila kasama ang apat pang miyembro ng Popsicles- si CNU, ang pinakamatandang miyembro na nagluluksa sa pagkamatay ng kasintahan; si Sandeul, ang main vocal na humahanap sa isang taong magiging dahilan ng isang malaking pagpapanggap; si Baro, ang rapper na astig sa publiko pero iyakin sa likod ng camera; at si Gongchan, ang tahimik pero mapagmatyag na bunso ng grupo na naghihintay ng tamang panahon para aminin ang isang bagay na matagal na panahon na nitong kinikimkim.
Ito ay isang buhol-buhol na kuwento ng mga musikero, manunulat, mga taong pinapangarap at nangangarap.