lady_broccoli
- Reads 2,717
- Votes 34
- Parts 19
R-18
Dumating na ang pinakahihintay ni Savi...
Hindi isang alok. Hindi isang regalo. Kundi isang bagong simula.
Sa loob ng maraming taon, nabuhay si Savi sa isang mundong mapusok-isang sugar baby na walang inaapakang iba, kundi ang sariling damdamin. Sa paniniwalang basta marangal ang pakikitungo at walang inaagrabyado, ayos lang ang mabuhay sa sarili niyang paraan. At kung tutuusin... she enjoyed every bit of it.
Pero dumating din ang araw ng pagod. Kaya sa wakas, nagpasya siyang tuldukan ang marangyang mundong iyon. Ngunit habang pilit niyang tinatalikuran ang matamis ngunit mapait na nakaraan, isa-isa namang sumusulpot ang mga tauhan mula sa kanyang lumipas-bitbit ang panghuhusga, panunumbat, at ang paalala na walang lalaking totoong mamahalin ang tulad niya.
Hanggang sa dumating siya.
Isang lalaking hindi niya inaasahang makakasalubong sa panibagong yugto ng kanyang buhay.
Isang lalaking tila handang sirain ang mga paniniwalang itinayo niya sa loob ng maraming taon.
Pero sapat na ba ang bagong simula para kalimutan ang lahat?
Matatanggap kaya siya ng lalaking ito-buo, kasama ang mantsa ng nakaraan?
At higit sa lahat... kaya ba niyang mahalin ang sarili niya kung siya mismo'y may duda kung karapat-dapat pa ba siya?
Dahil sa unang pagkakataon dumating ang pinakahihintay ni Savi.