ℛ𝒶𝓃𝒹om
32 stories
I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 155,260
  • WpVote
    Votes 4,383
  • WpPart
    Parts 22
This book is now published under Reb Fiction and is now available in bookstores. Please do grab a copy! Thank you. (Formerly known as Not Another Gangster Love Story) Hi! Ako si Nadine at hooked na hooked ako sa online novels mula sa mga free online reading websites. Kahit nabasa ko na sa Internet ang novels na iyon, binibili ko pa rin kapag na-publish na bilang libro. Gustung-gusto ko kasi kapag napapakilig ako ng teenage novels na nababasa ako. Hopeless romantic kasi ako. In fact, araw-araw, nangangarap ako na mangyayari sa akin ang isa sa love stories na binabasa ko. Ang sarap sigurong maging bida sa mga nobelang gaya niyon. Lalo na kung isang guwapong gangster na nauusong gawing hero ng mga nobelang nababasa ko ang maging love interest ko. Bigla tuloy napansin ko si Calix Roque-ang campus bully sa SCH at lider ng isang teen gang. Kapag kinanti mo siya, pilik-mata mo lang ang walang latay. Pero in fairness, cute si Calix. Hindi ko ine-expect pero na-turn on ako sa kanya. Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang desisyon. Paiibigin ko si Calix at gagawa ako ng sarili kong real-life gangster love story! Eh, kaso umubra kaya ang plano ko kay Calix kung mukhang walang gustong gawin ang gangster na iyon kundi ang pandilatan, takutin at pagkatuwaan ako? *Unedited version *Preview only
Eh Di Sa Puso Mo (St. Catherine High series Book #2) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 17,593
  • WpVote
    Votes 437
  • WpPart
    Parts 7
Hi! Ako si Alex. Ako 'yong kaibigang hindi mo makakausap nang matino kasi madalas pipiloposopohin o babasagin ka. Ako 'yong mahilig gumamit ng mga salitang kalye at nauuso sa ngayon. 'Yong ang least favorite school subject ay English. 'Yong makikita mong madalas na nasa tabi ng streetfood cart at kumakain ng isaw. 'Yong ang nakalagay na employer sa Facebook profile ay "Eh di sa puso mo." Ako 'yong sinasabi nilang jologs. Oh, eh di sige. Jologs na kung jologs. Komportable naman ako sa sarili ko. Hindi tulad ng mga conyo at mga trying-hard sosyalerang kung maka-Ingles, wagas. 'Di ko sila trip. Pero nang dumating ang bagong English teacher naming cutie pie at sosyal, biglang naalog ang mundo ko. Tinamaan ako. Sapul, eh. Kaya bigla, nag-decide akong mag-transform from a jolog to a conyo. Gusto ko kasing mapansin ako ni Sir. Pero ang hirap palang magpaka-Inglesera at conyo. Lalo na kung merong asungot na bumabasag ng trip ko. Peste 'tong si Jake. Pinagtatawanan at nilalait niya lang ang effort ko na magbago. Siya 'yong mapang-asar na classmate na rich kid pero trying hard na maging jologs. Ano namang trip ng isang 'yon? *This is the unedited version *This book is already published under Reb Fiction with the rest of the series (SCH). Available in bookstores nationwide
#SocialMediaAddict (St. Catherine High Series Book #4) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 13,311
  • WpVote
    Votes 402
  • WpPart
    Parts 8
**Already published. Available in bookstores** Ako si Kassie at isa akong self-confessed social media addict. May account ako sa lahat ng social networking apps. I love sharing my life in social media. Internet is like my bff. Hindi ko kayang mabuhay nang walang Wi-Fi. Kaya naman hate na hate ko si Tom Alvarez, 'yong masungit at antipatikong president ng Science Club sa SCH na galit sa social media. Ang sabi niya, nawawala na daw ang tunay na essence ng social interaction nang dahil sa mga social networking apps na iyon. Hate na hate ko talaga ang KJ na iyon. Kaya para makaganti ako sa kanya, gumawa ako ng hashtag sa Twitter para sa kanya-ang #iHateTom under another username. At araw-araw, ibinubuhos ko roon ang galit ko sa kanya. Wala naman siyang social media account ni isa kaya hindi niya mababasa iyon. Hindi rin naman niya malalaman na ako ang nasa likod ng hashtag na iyon. Kaya never siyang makakaganti sa akin sa lahat ng masasamang pinagsasabi ko sa kanya sa social media. #NeverEver Iyon ang akala ko.
Confessions Of A K-Pop Fangirl (St. Catherine High Series Book #3) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 7,967
  • WpVote
    Votes 200
  • WpPart
    Parts 4
Book 3 Of St. Catherine High School Series. Already published. Available in bookstores. Annyeong haseyo! Ako si Sandy, ang certified K-pop fangirl na hindi nangangawit ang ngalangala sa pagtili sa tuwing nanonood ng music videos at concerts ng mga "bias" kong K-pop idols. Kung ang iba, may American dream, ako naman ay may Korean dream. At ang ultimate dream ko, makatapak sa Seoul at ma-meet ang lahat ng K-pop idols ko. Kaya naman maloka-loka ako nang biglang... OMO! may mapadpad na Koreano sa school namin na kamukha pa ng isa sa mga "bias" ko. Eotteoke! Eotteoke? Nag-ala-ninja tuloy ako sa kaka-stalk kay Choi Dong Ho. Pero may epal na umaaway kay Dong Ho, ang schoolmate naming si Pocholo na parang mainit yata ang dugo sa mga Koreano. Aba, syempre, hindi ko hahayang i-bully niya ang crush ko. Kaya inaway ko siya. At doon na nagsimula ang matinding giyera sa pagitan namin ni Pocholo. K-pop fanatic VS Anti-K-pop. Sino ang magwawagi?
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 259,985
  • WpVote
    Votes 7,062
  • WpPart
    Parts 25
Tuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at determinado itong mapabalik dito ang ex-girlfriend. May naisip na plano ang mga kaibigan ni Owen para mapabalik dito si Fia. Kailangan nito ng pretend girlfriend para pagselosin si Fia. Nag-apply siyang bagong girlfriend nito. Habang nagpapanggap siyang girlfriend nito ay plano niyang paibigin si Owen para sa huli ay hindi na nito maisipan pang bumalik kay Fia at maging totohanan ang kanilang relasyon. Pero hindi pala madaling mapaibig ito. Mukhang kailangan niya ng dibdibang pang-aakit dito. *Wattpad version only. (unedited with some deleted parts) *Printed book still available in bookstores . Please do grab a copy
JELA, The Drama Club Actress (St. Catherine University Series #3) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 52,926
  • WpVote
    Votes 1,690
  • WpPart
    Parts 11
*RAW & UNEDITED (so excuse the errors) *Wattpad version Malaki ang kasalanan ni Jela kay Jacob. Sa takot na gantihan siya, pinagtaguan niya ito. Hanggang sa magkrus uli ang mga landas nila pagkalipas ng ilang taon. Nakakita si Jacob ng alas na puwedeng ipang-blockmail sa kanya kaya naging sunod-sunuran siya sa bawat gusto nito. Mula sa pagiging production assistant, na-demote si Jela sa pagiging errand girl ng demanding pero oozing with sex appeal na binata. Inis na inis siya dahil wala siyang magawa para kontrahin ang gusto nito. Pero aakalain ba niyang isang araw, buong pusong susundin niya ang lahat ng gusto ni Jacob kung ang ibig sabihin niyon ay makakasama niya ito?
STARR, The Bratinella (St. Catherine University Series Book #4) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 43,892
  • WpVote
    Votes 1,408
  • WpPart
    Parts 10
Starr hated Jerry. Dahil sa sobrang inis niya rito ay tumakbo siya bilang presidente ng student council ng engineering upang kalabanin ito. Sa lalong pagkainis niya, pinagtawanan siya nito at minaliit ang kakayahan niya. Kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para matalo ito. Pero nang minsang muntik na siyang mapahamak, iniligtas siya nito. Mula noon, tuwing malalagay siya sa kapahamakan, lagi itong naroon para iligtas siya. Kaya ang gamansiyon na inis niya rito, unti-unting naging bahay-kubo. At tuluyan nang nagiba ang "bahay-kubo" nang lalo itong bumait at naging maalalahanin sa kanya. Hanggang isang araw, natagpuan na lang niya ang sarili na in love na rito. Kaya ang plano niyang maging presidente ng student council ay biglang nabago at naging "first lady ng presidente ng student council..." *RAW AND UNEDITED*
CLAUDETTE, The Queen Bee (St. Catherine University Series #5) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 39,772
  • WpVote
    Votes 1,339
  • WpPart
    Parts 12
*RAW AND UNEDITED VERSION* Claudette was the campus queen bee. Siya na yata ang pinakamaldita sa buong SCU. But because she was beautiful and popular, she could always get away with anything. Akala ng mga tao, nakukuha niya ang lahat ng gustuhin. Pero ang totoo, ang pinakagusto niya ay hindi niya makuha-kuha. She had been pining for Jerry Genares since the first time she saw him, but he avoided her like the plague. Hindi makakapayag si Claudette na hindi mapasakanya si Jerry. Pero nang sa tingin niya ay malapit na niyang makuha si Jerry, may isang lalaking nanggulo sa mga plano niya-si Morris, ang pinsan ni Jerry na tutol sa pagsinta niya sa pinsan nito. Dinala siya ni Morris sa isang isla para ilayo kay Jerry. Tuturuan daw siya nito ng leksiyon para ma-realize niya ang mga pagkakamali. Pero bukod sa leksiyon na sinasabi ni Morris, may iba pang natutuhan si Claudette habang kasama niya ito: ang ibigin si Morris nang higit pa sa naramdaman niya para sa pinsan nito.
ASHLEE, The Rock Diva (St. Catherine University Series #6) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 33,449
  • WpVote
    Votes 1,039
  • WpPart
    Parts 10
THIS IS THE UNEDITED VERSION. Ebook (edited version) is available at preciouspagesebookstore.com.ph Ashlee might be impertinent and harsh but she was a very loyal and protective friend. Ayaw na ayaw niya nang nasasaktan ang mga kaibigan niya. Sa tuwing may nang-aargabyado sa mga ito ay walang habas niyang ginagantihan ang mga taong iyon. Isa si Jiro sa mga nakaranas na ng lupit ng paghihiganti niya nang paluhain nito ang isa sa mga barkada niya noong nasa kolehiyo pa sila. Kaya naman laking gulat niya nang sa muli nilang pagkikita after a few years ay makilala niya ito bilang bagong nobyo ng kanyang best friend. Dahil walang tiwala kay Jiroh ay pumayag siya sa pakiusap ng kaibigan na bantayan ito habang nasa ibang bansa ang kaibigan. Jiro hated her guts and so was she. Kaya naman konting kibot ay giyera kaagad sila. Hindi talaga siya boto rito para sa kaibigan niya ngunit nang lumaon ay unti-unti niyang nakita ang substance nito bilang tao. Kasabay niyon ay ang pagbangon ng isang damdaming hindi niya inasahang madarama para rito. No, she could not fall in love with her best friend's boyfriend...
Chloe, The Idealistic Chick (St. Catherine University Series #7) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 40,858
  • WpVote
    Votes 1,380
  • WpPart
    Parts 10
*UNEDITED* *WATTPAD VERSION* Chloe had a big secret. Five years ago, she slept with a man accidentally! Ang masama pa, ang lalaking kinaiinisan niya ang nakakuha ng kainosentihan niya-si Ruan Gonzales na wala nang idinulot sa kanya kundi disgrasya. Hindi niya inakala na muling magkukrus ang mga landas nila. Ito ang boyfriend ng kapatid ng nobyo niya. Nakiusap siya rito na huwag na sana nitong ipaalam sa kanya-kanyang kasintahan nila ang nangyari noon. Pero ang buwisit na lalaki, walang ibang alam na ipang-asar sa kanya kundi ang sekretong iyon! Ang akala niya ay wala nang mas titindi pa sa malupit na sekretong kailangan nilang itago. Mayroon pa pala. Na-in love siya rito at kailangan niyang itago iyon dahil magiging komplikado ang sitwasyon kapag naisiwalat iyon.