Waiting
4 stories
siklab na may sakdal laya (epistolary) by pilosopotasya
pilosopotasya
  • WpView
    Reads 750,706
  • WpVote
    Votes 43,052
  • WpPart
    Parts 177
❝ Magpapakasal na ang first love ni Nana for 10 years. Ang masaklap? Hindi siya ang bride. Huhu. ❞ Y Chronicles Universe #SNMSL1 of Kabulastugan Boys Series MNR COLLABORATION with @cappuchienooo & @nayinK
Mathilda Bruhilda by eroplane
eroplane
  • WpView
    Reads 1,576
  • WpVote
    Votes 107
  • WpPart
    Parts 26
KAKAIBA SI CARLOS--hindi dahil may lahi siyang Amerikano, kundi dahil sa kaniyang kakaibang nakikita simula noong bata pa siya. Hindi siya pinapakialaman ng mga nakikitang nilalang, ngunit nang maghuramentado ang isang baliw na babae sa simbahan, nagsimulang siyang tugisin ng mga ito. 'Di inaasahang madakip ang kaniyang lola sa isang insidente. Upang maligtas ang kaisa-isang pamilya, kailangan niyang pakawalan ang isang diyosang nagngangalang Mathilda Bruhilda--ang susi sa lahat ng misteryong nangyayari sa kanilang paligid. Nadawit ang buhay ni Carlos sa mundo ng mga diyos at diyosa ng sinaunang panahon sa Pilipinas. Kailangan niyang magdesisyon kung kasalanan ba ang pagkasilang sa kaniya, o siya ba ang sinasabing itinakda upang iligtas ang buong Pilipinas mula sa pagbabalik ng kasamaan sa lupa.
Saan Kami Pupunta? by ruerukun
ruerukun
  • WpView
    Reads 254,319
  • WpVote
    Votes 4,734
  • WpPart
    Parts 19
Alas syete ng umaga, sa may Avenida, Maynila... Pakapal nang pakapal ang di-pangkaraniwang hamog na bumalot sa labas ng 7-eleven. Hamog na hindi namin alam kung paanong lumukob sa labas ng tindahan. Walo kaming naiwan. Walo kaming nagsisimula nang mangatog sa takot. Nakatayo at humahagilap ng kahit anong masisilayan sa labas. Bakas sa anyo ng lahat ang pagkabigla, ang pagtatanong kung ano ba talaga ang nangyayari. Ni isa sa amin ay di makapagbitiw ng salita dahil parepareho kaming walang ideya. At sa isang iglap, wala na kaming narinig na anuman mula sa labas. Nawala ang boses ng mga nagsisigawang tao, ang mga busina ng jeep. Isang nakabibinging katahimikan. Tanging ang mabilis na tibok ng puso ko na lamang ang aking naririnig. (Ang "Saan Kami Pupunta" ay kwento tungkol sa walong taong hindi magkakakilala na naiwan sa loob ng 7-eleven habang ang mundo sa labas ng tindahan ay nilamon ng di maipaliwanag na hamog. Sundan kung paano sila mabubuhay, tatakas, at tutuklasin kung anong misteryo ang nangyari sa mundo) Copyright © 2014 by ruerukun All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from the author, except in the case of a reviewer, who may quote brief passages embodied in critical articles or in a review.
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 747,598
  • WpVote
    Votes 46,626
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!