Enchanted Academy
6 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 41,140,128
  • WpVote
    Votes 1,342,913
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
The Wife's Agony by LadyCode
LadyCode
  • WpView
    Reads 1,063,826
  • WpVote
    Votes 17,627
  • WpPart
    Parts 40
I'm Hillary Rayne Olivar. Maganda. Sexy. Mayaman. Matalino pero nagpakatanga sa iisang lalaki na paulit-ulit lang akong niloloko. Naranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na rin bang magpakatanga sa isang lalaki na walang ginawa kundi balewalain ka? I don't want to give up even it hurts so much. Yung tipong sobrang sakit na pero ayaw mo pa ring bumitaw kasi may pinang-hahawakan ka at yung tipong sa sobrang sakit, masasanay ka nalang hanggang sa hindi mo na maramdaman na nasasaktan ka pala. Should I give up or continue chasing him? Sino ang pipiliin ko? Ang lalaking mahal ako? O ang lalaking minahal ako nang mawala ako? This is not your typical martyr story.
Enchanted Academy by JoshuaLeeStories
JoshuaLeeStories
  • WpView
    Reads 139,850
  • WpVote
    Votes 3,081
  • WpPart
    Parts 11
Published by LIFEBOOKS. Available na po ang book version nito sa lahat ng leading bookstores for only 99.95 pesos. Handa ka na bang pumasok sa paaralang puno ng mahika?
Enchanted Academy (Book 3) by JoshuaLeeStories
JoshuaLeeStories
  • WpView
    Reads 8,525
  • WpVote
    Votes 112
  • WpPart
    Parts 1
EA3
Enchanted Academy (Book 2) by JoshuaLeeStories
JoshuaLeeStories
  • WpView
    Reads 68,248
  • WpVote
    Votes 1,739
  • WpPart
    Parts 21
Completed✓✓✓ Sa pagkabuhay ng alteza na si Prosfera ay siya namang pagbagsak ng lahi ng mga salamangkerong puti o ang mga Ligero. Ngunit isang sanggol ang isinilang na siyang magbabalik ng kapayapaan sa Erkalla-- si KANIKA. Makakaya kaya ni Kanika ang magulong mundo ng Erkalla at ang pagpasok niya sa Enchanted Academy? Paano kung bukod sa pag-aaral ng mahika ay may apat na lalaki siyang makikilala na magpapagulo ng kanyang puso? Ano nga ba ang kanyang uunahin? Pag-ibig o tungkulin?
Enchanted Academy 4 (PREVIEW ONLY) by JoshuaLeeStories
JoshuaLeeStories
  • WpView
    Reads 2,604
  • WpVote
    Votes 66
  • WpPart
    Parts 4
Inakala ng Erkalla na tapos na ang banta ng kaguluhan nang mapatay ng limang hinirang si Prosfera. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, isang panibagong banta ang dala ni Veronica sa kapayapaan na tinatamasa ng Erkalla. Sa pagnanais nitong maging reyna sa mahiwagang mundo ng Erkalla ay gagawin nito ang lahat upang magkaroon iyon ng katuparan. Kahit pa mabahiran ng dugo ang mga kamay nito! Sa huling aklat ng Enchanted Academy... Magagawa pa bang iligtas nina Kanika ang Erkalla? Isang tao nga ba ang makakapagpabagsak sa kanila? Sa huling pagkakataon ay lalaban sa kasamaan ang limang hinirang kasama ang isang nilalang na nanggaling pa sa nakaraan!