Serin_Writes
Isang baguhang Modelo si Jazel Jenz at naniniwala siya na ang mga tao sa industriyang ito ay mga nagpapanggap lang katulad ng pagganap sa TV ng isang artista.
Isa na rito ang sikat at tinitilian ng mga kababaihan at kabaklaan na si Jayron Juster, ang tinaguriang YOUNG PRINCE ng masa, pa-fall kung umasta.
Ewan ba niya Kung bakit inis na inis siya sa ka-guwapuhan--- este sa pagmumukha ni Jayron. Ang lakas din kasi mang-alaska sa isang katulad niya.
Aso't pusa pag off cam .. pero feeling close pag sa camera.
"Sana tratuhin mo din ako katulad ng mga naging leading lady mo.."
"Higit pa sa leading role ang para sayo," sagot sa kanya ni Jayron na nagpatibok bigla sa puso niya. "ahh ... bagay sa iyo ang isang P.A."
"A-ano'ng Sabi mo?.. P .. " kanda-utal pa siya sa biglang pagpalit ng reaksyon. Sa sobrang inis ay gusto nyang dakmalin ang mukha ng lalaki kundi lang siya natisod at nasalo nito.
Naglapit ang kanilang mga mukha. Lalo siyang nahighblood ng ngitian pa siya ni Jayron subalit kasunod nun ay ginawaran siya ng isang maalab na halik.
***
Please support my story. Thank you 🙏😘🥰