Phayekeira
Si Jane Quoleen Sarrien-independyente, matatag, at sanay mabuhay nang mag-isa. Hindi niya inaasahang mahulog sa isang taong alam niyang hindi kailanman magiging kanya-Patrick Buenaventura, mas kilala bilang Patricia.
Isang mapanlinlang na set-up ang naglapit sa kanila. Isang gabing hindi nila inakala ang nagbigay ng isang lihim na kailangang itago-isang buhay na hindi inaasahan ni Quoleen.
Ngayon, sa harap ng katotohanang bumago sa kanyang mundo, isang tanong ang hindi niya matakasan: Si Patrick ba'y magbabago? O si Patricia pa rin ang mamamalagi sa kanyang puso?
Isang kwento ng pag-ibig, panlilinlang, at isang gabing nagdala ng hindi inaasahang kapalaran.