WhereTheInkBleeds
May mga kwentong hindi nakatakdang tapusin, kundi paulit-ulit na binabalikan.
Sa bawat patak ng itim sa puting papel, may mga lihim na pilit ibinabaon pero pilit ding umaahon.
Sinasabi nilang ang pluma ang pinakamatinding sandata, pero paano kung ito rin ang mitsa ng sarili mong pagkapagod?
Paano kung bawat salitang pinakawalan ay isip na dahan-dahang humahati sa nakaraan at sa ngayon?
Huwag mong hawakan ang pahina kung hindi mo kayang panindigan ang mantsa.
Dahil sa mundong ito, ang pinakamasakit na katotohanan ay hindi ang tuldok sa dulo... kundi ang luhang pumatak at nag-iwan ng bakas, habang basa pa ang tinta.
Ito ang kwento ng mga pusong sumugal sa gitna ng unang sulat, naghanap ng kahulugan sa bawat bura, at nalunod sa sarili nilang mga salita.
Dahil bago pa man matuyo ang kwento, matagal nang tapos ang lahat.