Mikylerb
Ang Unang Serye. (A Trilogy of Time)
Isang stress-drilled college student sa kasalukuyang panahon si Isaiah. Ang tanging problema niya? Ang matapos ang pag-aaral, mabuhay ng mapayapa at takasan ang bigat ng ekspektasyon ng kaniyang pamilya. Pero sa isang kisapmata, ang buhay na kaniyang pilit na itinatawid ay biglang maglalaho. Sa pagitan ng isang panaginip at ng isang tumitibok na pocket watch, magigising si Isaiah sa taong 1875.
Sa mundong puno ng baro't saya, kalesa, at mga lihim na ibinubulong sa dilim, siya na ngayon si Catalina. Isang dalagang umibig sa isang makapangyarihang Heneral. Ngunit sa gitna ng panganib ng nakaraan at ng lasong dahan-dahang gumagapang sa kaniyang sistema, matatagpuan niya ang mga matang tila matagal na siyang kilala. Sino nga ba ang misteryosong nilalang na ito?
Kapag ang tadhana ang nagtakda at panahon ang humadlang, sapat na ba ang isang habang-buhay para sa isang pag-ibig na hinahati ng sandaang taon?
Date started: April 23, 2026