puSsywalk
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagising si Christina sa katawang hindi sakanya-ang katawan ng kilalang villainess sa isang lumang nobelang nagaganap noong year 19-, isang panahon kung saan ang tao'y mabini kumilos, maginoo magsalita, at mahalaga ang reputasyon higit sa lahat.
Ayon sa kasaysayan ng mundong ito, Victoria Tina Esperanza ang babaeng magiging sanhi ng iskandalo, pagbagsak ng pamilya, at pagkawasak ng bida. Kilala ang pangalang ko sa pagiging mapagmataas, walang modo, at handang sumira ng sinuman para sa pansariling kapakanan.
Pero pagmulat ng mata nito ay, isang bagay ang malinaw
"Hindi ako ang babaeng iyon... at hindi ako papayag na maging kontrabida."
May mga taong umaasang magiging masama ako kagaya ng nasa nobela... at may iilan namang tila napansin ang kakaiba kong asal.
Kabilang na roon ang isang lalaking may tikas, talino, at titig na tila nakikita ang tunay na pagkatao-isang lalaking maaaring maging aking tagapagligtas... o maging dahilan ng aking kapahamakan.
Sa mundo kung saan ang isang maling kilos ay maaaring humusga ng iyong kapalaran, kailangan kong baguhin ang aking tadhana, protektahan ang pamilya, at patunayan na kahit ang isang villainess ay maaaring magkaroon ng ikalawang pagkakataon.
Pero sa pagtatangkang baguhin ang nakaraan... hindi kaya mas lalo ko lamang binabago ang hinaharap?