Gabzstrlght
^^
Paano kung dalawang lalaki ang sabay na nagpapakilig (at nagpapa-stress) sa isang babae?
Meet Serene: simpleng babae lang, pero parang may superpower kasi lahat na lang ng problema, na-attract sa kanya-specifically, dalawang lalaking hindi marunong mag-give way.
Yung isa, sweet, tahimik, at laging may "pa-deep" na mga linya-parang walking inspirational quote.
Yung isa naman, confident at laging pasikat, tipong kahit tambak na sa projects, may time pang magpa-cute.
Pero si Serene? Nalilito na rin kung love triangle ba 'to o reality show na "Sino Ang Karapat-dapat?"
Sino ang pipiliin ni Serene? O baka naman i-unfriend na lang niya sila pareho sa fb para tahimik na ang buhay niya.
Isa lang ang sure: sa story na 'to, puno ng kilig, harutan, at moments na mapapa-"seryoso ba 'to?" Ka nalang.
Warning: baka mapakanta ka ng "Sana Dalawa ang Puso Ko" habang nagbabasa.
Enjoy and good luck sa pipiliin ni Serene at sa feelings mo!