kesyoletra
Mga lihim na nakapaloob sa mga liham,
na ipaaabot ko sayo,
kasama ang aking puso at buong kaluluwa,
nawa'y maramdaman mo,
na sa bawat paglapat ng tinta ng aking panulat,
ang siyang magdadala sayo patungo sa aking landas.
At kung sakaling tangayin ito ng hangin,
huwag mag-alala dahil paniguradong iyong hahabulin
dahil sa iyong kagustuhan, dahil sa mga gusto mong malaman.
Malalaman ang laman kung bubuksan.
Malalaman.
6-4-1-8