Legaspirochelle
Sa murang edad, natutunan kong magmahal. Nang makilala ko sya, nagawa kong suwayin ang mga magulang ko. Tinalikuran ko ang mga kaibigan ko. Pinabayaan ko ang pag-aaral ko. Sinayang ko ang lahat ng mga magagandang bagay na meron ako.
At nagpakasal ako sa taong inakala kong mahal ako.
Pero nagkamali pala ko.
Niloko nya ko, O ma's tamang sabihin na ipinagpalit nya ako.
Na ma's masakit pa dahil ang babaeng ipinalit nya sakin ay yong tao pa na itinuring kong kapatid, pamilya ,at kaibigan..
Sinaktan nila ko..
Pinagtabuyan, itinapon na durog na durog at walang mapuntahan.
Kaya nang mga panahon na iyon.
Habang umiiyak ako sa ilalim ng malakas na ulan.
Ipinangako ko sa sarili ko na babangon ako, aayusin ko ang buhay ko, pati ang buhay ng batang nasa sinapupunan ko.
Babalik ako at pagbabayarin ko lahat ng taong sumira ng buhay ko.
Sisingilin ko sila sa lahat ng atraso nila sakin at sa anak ko.
At unang-una kong sisingilin ay ang ama nya at ang bago nyang asawa na walang iba kundi ang napakawalang hiya kong kaibigan..
Gagantihan ko sila sa kahit na anong paraan......
.
.Kahit pa,....
.
.
Maging mistress ako ng sarili kong ASAWA!
######
---------------------------------------