EngrSisiw
"Papawis lang."
Ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyon. Sa basketball, video games, trabaho at pati sa buhay. Pero bakit ganoon?
Kung walang pusta, bakit kami nag-aaway?
Kung walang pusta, bakit kami nasasaktan?
Kung walang pusta, bakit pakiramdam ko kailangan kong manalo?
Mula sa pagiging isang streamer noong panahon ng pandemya, hanggang sa pagtatayo ng esports team na hindi kailanman naging kampeon. Mula sa pagpasa sa board exam, hanggang sa pagharap sa init ng construction sites at mga control room ng power grid. Mula sa unang pag-ibig, mga pagkakamali, mga hiwalayan, at mga pagbabalikan.
Ito ang kuwento ng isang lalaking laging nasa likod ng tagumpay ng iba.
Hindi siya MVP.
Hindi siya sikat.
Hindi siya ang pinakamahusay.
Pero sa bawat yugto ng buhay niya, may mga laban siyang pinili. May mga pangarap siyang hinabol. At may mga taong nasaktan habang sinusubukan niyang hanapin kung sino ba talaga siya.
Isang coming-of-age story tungkol sa ambisyon, pagkakamali, pag-ibig, pamilya, at sa tahimik na pakikibaka ng mga taong patuloy na lumalaban kahit walang nakakakita.
Dahil minsan, ang pinakamahirap na laban ay hindi para sa tropeo. Kundi para sa sarili.
Isang nobela ni EngrSisiw