aevryninks_
Hindi planado ni Solara Yvonne Estrella na mabuhusan ng gravy ang pinaka-ayaw na lalaki sa Civil Engineering.
At lalong hindi niya planadong si Calyx Miguel Alonzo pa ang mabibiktima.
Campus crush. Rich kid. Dean's lister. Literal na walking cold front ng buong department.
Habang si Solara?
Maingay. Palaban. Walang preno magsalita. Lower middle class na sanay lumaban para sa lahat.
Sa isang aksidenteng banggaan sa lunch break nagsimula ang gulo sa pagitan ng dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo.
Kasama ang chaotic niyang best friends na sina Lunaria at Celestia, at ang equally untouchable trio nina Gabriel at Jairem, unti-unting mag-iinit ang tahimik na rivalry sa loob ng Civil Engineering block.
Asaran.
Bangayan.
Competitive projects.
Late-night study sessions.
At mga tinging mas matagal kaysa dapat.
Pero habang mas nagiging malapit sila, mas lumalabas din ang mga bagay na pilit nilang tinatago-mga insecurities, pressure, pamilya, at mga pangarap na hindi kayang bilhin ng pera.
Because sometimes, the loudest people hide the heaviest burdens.
And sometimes, even the coldest hearts wait for someone warm enough to stay.