alrxclee
"Sa kabila ng ingay ng mga makina at lawak ng himpapawid, natagpuan nina Captain Mikio at Purser Aiah na ang pinakamagandang destinasyon ay hindi ang dulo ng runway, kundi ang isa't isa."
Sa mundo ng aviation, ang bawat lipad ay may kaakibat na panganib, ngunit para sa Papi Line, ang kalangitan ang kanilang palaruan. Hango sa PAPI (Precision Approach Path Indicator) lights na gumagabay sa bawat safe landing, ang grupong nina Mikio, Johan, Granth, at Cole ang kinikilalang "Titans of the Cockpit"-mga pilotong matitikas, disiplinado, at hindi natitinag sa anumang turbulence.
Ngunit hindi lilipad ang anumang eroplano nang wala ang mga nagbabantay sa kaligtasan ng bawat pasahero. Dito nabuo ang Inner Circle-ang pamilya nina Aiah, Maloi, Stacey, at Sheena. Bilang sentro ng operasyon sa cabin, sila ang naging sandigan ng isa't isa sa gitna ng puyat, jetlag, at mga mapanghusgang mata ng industriya.
Sinusundan ng kwentong ito ang pagtatagpo ng dalawang mundong magkaiba ngunit pinag-isa ng tadhana sa itaas ng mga ulap. Sa pagitan ng mga red-eye flights, mga sikretong layovers, at ang pressure ng kanilang propesyon, paano gagabayan nina Mikio at Aiah ang kanilang puso patungo sa huling approach-ang pag-uwi sa isa't isa?