manifesther
Sa isang mundo kung saan ang mahika ay natural na parang hangin, isinilang si Aria Solana isang sanggol na may pambihirang kapangyarihan na hindi niya alam. Ang kanyang kakayahan ay tinatawag na Echo-Weave, isang magic ability na kayang i-mirror, baguhin, o palakasin ang anumang uri ng spell na nakita o naramdaman niya.
Ngunit noong sanggol pa lamang siya, isang rebel group ang tumakas at kinidnap siya, takot na baka gamitin siya ng kanyang royal bloodline para sa kapangyarihan. Dinala siya sa mundo ng mga normal na tao, iniwang sugatan sa isang park, iniisip na mamamatay siya.
Hindi nila alam, may isang lalaking lider ng isang mafia clan ang nakakita sa kanya. Kinuha siya, pinalaki bilang sariling anak, at tinuruan ng mundo ng kasinungalingan, kalakalan, at karahasan. Lumaki si Aria bilang mafia heiress-sweet sa panlabas, ngunit psychopathic at merciless sa loob.
Ngunit isang araw, sa gitna ng paghabol ng kalaban sa mafia world, muling bumukas ang daan pabalik sa tunay niyang mundo. Sugatan at nag-iisa, bumagsak siya sa liblib na gubat kung saan sa wakas, isang taga-mundo niya ang nakakita sa kanya.
Magsisimula ang kwento niya. Ang pag-gising ng kanyang Echo-Weave. At ang pagbawi niya sa trono ng dalawang mundo: ang mundong kinagisnan niya at ang mundong totoong kanya.