princessdreamBDC
Mga huling tula para kay J
Salamat sa ilang taong ating pag-sasama,
Ngunit ito na siguro ang ating huling pahina,
Ang aklat na ating sinimulan, ngayo'y mag-sasara na.
Salamat sa mga panahong ika'y aking nakasama.
Ang ating masasayang ala-ala,
Ito'y aking habang buhay na maaalala.
Dahil ika'y naging isang malaking parte ng aking mundo,
Pero pasensya na kung hindi ako ang iyong dulo.
Pero iyong tatandaan, lubusan kitang minahal,
At ito ay naka-guhit na sa aking puso't isipan.
Alam kong masaya kana sa iba, na hindi ako ang kasama,
At ngayon, salamat sa mga ala-ala at akin ng isasara ang ating huling pahina.
©All Right Reserved 2024