Monliemon
Ma...
Pa...
Ako na lang...
Hindi lahat ng panganay piniling maging matatag minsan o madalas... napipilitan lang.
Si Maria ay isang estudyante na may simpleng pangarap, ang makapagtapos at mabuhay nang tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Pero isang trahedya ang sumira sa lahat. Ang araw na isinilang ang kanilang bunsong kapatid ay iyon din ang araw na nawala ang kanilang ina.
Marahil dulot iyon ng malubhang pighati na sinapit ng kanilang ina bago pa ito magsilang. Mabigat na katotohanang di nila inakala, lihim na ikunubli sa mahabang panahon kung saan ang kanilang ama ay may ibang pamilya at pinili niya iyon.
Naiwan si Maria sa responsibilidad na hindi niya kailanman pinili. Sa isang iglap, siya ay ay naging ina, naging ama, naging sandalan ng anim niyang kapatid.
Habang pilit niyang tinatapos ang kanyang pag-aaral, sabay niyang binubuo ang isang tahanang halos gumuho na.
Walang pahinga.
Walang kasiguraduhan.
Walang karapatang sumuko.
Ito ang kwento ng isang panganay, hindi perpekto, hindi laging matatag,
pero patuloy na lumalaban.
Dahil sa responsibilidad na iniwan sa kanya ng mundo wala siyang ibang pagpipilian kundi magpatuloy.