18Diomedea
Paano kung sa mundong iyong ginagalawan ay isa ka lamang pangkaraniwang tao at hindi pinapahalagahan?
Paano kung may dumating na isang matipuno, matikas at gwapong-gwapong alien na sa mga mata nito ay ikaw na ang pinakaperpektong nilikha para sa kaniya at nagnanais na maging asawa at maging ina ng susunod na hari ng kanilang planeta?
Handa ka bang iwan ang mundong iyong kinalakhan at nagbigay sa'yo ng pasakit, pighati at saya makasama lang ang perpektong nilalang?
Hindi naging mabait kay Mena ang tadhana at kapalaran, maraming beses siyang nasaktan sa pag-ibig dahil lamang siya ay tinatawag na dabyana.
Nawala rin ang kaisa-isang tao na nagmamahal at nagpapahalaga sa kaniya, ang kaniyang lola. Hindi niya matanggap ang pagpanaw nito, kaya sa sobrang sakit na nararamdaman ay tinangka niyang magpatiwakal.
Ngunit sa araw nang pagpapakamatay niya ay saka muling lumitaw ang isang matipuno at gwapong_gwapong alien na nag ngangalang Nosek. Ang lalaking inakala niyang baliw.
Muli ay inalok siya nitong sumama sa kanilang planeta at maging reyna nito upang maging ina ng susunod na hari ng kanilang planeta.
Paniniwalaan niya ba ito? Sasama ba siya sa lugar na wala namang kasiguraduhan?