rlrosal
May pusong unti-unting namamatay... at kasama nito ang kapalaran ng lahat ng mundo.
Sa loob ng libu-libong taon, nanatiling ligtas ang Puso ng Almonia-ang pinagmumulan ng buhay, mahika, at balanse ng buong Santinakpan.
Ngunit nang maagaw ang mga bahagi nito ng itinapong Bathalang si Sit-Han, nagsimulang manghina ang Almonia habang ang kadiliman ay tahimik na sumisiklab sa mundo ng mga tao.
Ipinadala sina Yeden at Chikit sa Aztorah upang hanapin ang nawawalang mga piraso ng Puso ng Almonia at pigilan ang nalalapit na pagbagsak ng lahat ng daigdig.
Ngunit sa mundong ito, hindi lahat ng kaaway ay halimaw.
May mga taong nakangiti habang nilalamon ang kalayaan.
May mga pinunong naglilingkod sa kadiliman kapalit ng kapangyarihan.
At may mga lihim na kayang sirain kahit ang pinakamatatag na puso.
Habang papalapit ang digmaan ng mga Bathala, mapipilitang pumili ang bawat isa-
iligtas ang kanilang minamahal... o iligtas ang buong Santinakpan.
Sapagkat kapag tuluyang tumigil ang tibok ng Puso ng Almonia...
wala nang mundong matitirang ililigtas.