thnorthstar
Malayo sa gulo at hidwaan ng ibang tao, lumaki akong humahanga sa mahika at sa mga gods and goddesses na namumuno sa Mount Olympus. Bata pa lang ako, alam ko nang isa akong demigod anak ni Dionysus, the god of wine, chaos, pleasure, and madness.
Maybe that explains why chaos always seems to follow me.
Pero kahit gano'n, mas pinili ko pa ring mamuhay nang tahimik kasama ang mama ko. Malayo sa mundo ng mga gods. Malayo sa kanilang gulo.
Hanggang sa isang trahedyang gabi na sumira sa lahat.
Someone killed her.
At simula no'n, parang may nagising na mas madilim na parte sa loob ko.
Ngayon, nasa isang school ako para sa mga katulad ko.mga anak ng gods, future warriors, at mga taong kayang magsinungaling habang nakangiti. Isang mundong matagal kong iniiwasan, pero habang tumatagal... parang mas lalo akong bumabagay rito.
Maybe madness really does run in my blood.
Habang natututo akong lumaban at gamitin ang kapangyarihang matagal kong tinatakasan, mas lalo kong naiintindihan kung bakit kinakatakutan ang mga anak ni Dionysus.
We don't destroy people loudly.
We ruin them slowly.
Ang school na 'to ang unang hakbang sa paghihiganti ko. Narito ako para magpalakas, hanapin ang katotohanan, at alamin kung sino ang pumatay sa mama ko.
At kapag nahanap ko sila
I'll make sure everyone who stands in my way suffers first.