sophieanachu
Sabi nga nila, dapat ay pinapahalagahan natin ang oras. Dapat hindi sinasayang kasi kapag hinayaan mo lang lumipas baka magsisi ka. Habang nabubuhay, iparamdam natin sa mga taonf nasa paligid natin na mahal natin sila. Enjoy your life! Sa malinis, maganda at mabait na paraan. Kasi hindi natin alam kung may bukas o mamaya pa.
Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataong makabalik sa oras o panahon, saan at paano mo ito gagamitin? Pwedeng manood ka ng basketball tapos kapag nalaman mo na ang ending, ibalik mo sa time kung kailan ka tumaya. O di naman kaya ay mag-ipon ka ng pera at bumalik sa nakaraan kung may na-miss kang concert ng paborito mong banda. Ikaw ang magdedesisyon kung paano mo yun gagamitin. Gamitin sa mabuting paraan o sa masamang paraan.
Pero ang hiling ko lang din talaga, ako ang nabunot sa raffle ni Chaka! Sino sya? Malalaman mo kapag binasa mo ang prologue ng kwentong ito🙂