xmidnightsoul
Sa kalagitnaan ng mga gabing tila walang katapusan, si Elijah ay isang volunteer sa Hopeline Crisis Support isang hotline na sumasagot sa mga tawag ng mga taong nawawalan na ng pag-asa. Sanay na siyang makinig sa mga kwento ng sakit, pangungulila, at mga lihim na hindi masabi kahit kanino. Ngunit isang tawag ang unti-unting magbabago sa kanyang buhay.
Sa kabilang linya ay si Luna, isang dalagang matagal nang nakikipaglaban sa sarili niyang mga demonyo. Sa bawat gabing magkausap sila, nabubuo ang isang koneksiyong hindi nila inaasahan. Sa gitna ng katahimikan ng madaling-araw, natutunan nilang maging sandalan ng isa't isa kahit hindi pa sila kailanman nagkikita.
Ngunit habang lalong lumalalim ang kanilang samahan, mas marami ring lihim ang unti-unting nabubunyag. Hanggang saan sila dadalhin ng isang tawag na nagsimula lamang bilang paghingi ng tulong? At kapag dumating ang oras na kailangan nilang harapin ang realidad, sapat kaya ang koneksiyong nabuo sa kabilang dulo ng linya upang manatili sila sa buhay ng isa't isa?
Isang kuwento ng paghilom, pag-asa, at pagmamahalang natagpuan sa mga gabing pinakamadilim.
HOPELINE: Pagsapit ng Dilim dahil may mga tawag na dapat sagutin, at may mga taong dapat manatili.
Disclaimer & Trigger Warnings:
DISCLAIMER
"Hopeline: After Dark" is a fictional work. All characters, locations, businesses, organizations, and events in this story are fictional and are not connected to any real person, company, institution, hotline, or establishment. Any resemblance to actual persons, living or deceased, or to real companies and organizations is purely coincidental.
This story contains themes of depression, anxiety, grief, trauma, suicide, and mental health struggles. Reader discretion is advised.