glediyah
Para kay Arc. Elara Vianna Marcelo Shatian, ang buhay ay isang serye ng mga gumuhong istraktura. Mula sa pisikal na pang-aabuso ng kaniyang amang si Reno, hanggang sa pagmamanipula ng kaniyang inang si Martha, natuto si Elara na magtayo ng matatayog na pader sa paligid ng kaniyang puso. Akala niya, ang pakikipag-ugnayan kay Julian Aris Thorne ang magiging pundasyon ng kaniyang kalayaan, ngunit ang tatlong taon ng distansya at "static" ay nag-iwan lamang sa kaniya ng mga "cancelled tickets" at isang durog na pagkatao.
Ngunit sa gitna ng kaniyang pinakamadilim na gabi, isang boses ang pumigil sa kaniyang pagtalon. Si Engr. Kael Kreg Satillan-isang lalakeng tila hango sa isang madilim na obra maestra. Matalino, elegante, at mapanganib. Ang pag-ibig ni Kael ay hindi gaya ng kay Julian; ito ay isang obsession. Si Kael ang lalakeng handang pumatay para sa kaniya, handang sirain ang buong mundo para lamang mapanatili siyang ligtas, at handang talikuran ang kaniyang marangyang buhay sa London upang maging kaniyang sandigan.
Sa pagitan ng banta ng isang baliw na ex-fiancée na si Claire, ang panggagahasa at pambabastos ni Trevor, at ang mga lihim ng kanilang mga pamilya, kailangang magdesisyon ni Elara: Magpapatuloy ba siya sa pagiging biktima ng kaniyang nakaraan? O hahayaan niyang ang isang "halimaw" na tulad ni Kael ang magtayo ng isang bagong tahanan para sa kaniya-isang tahanang binuo mula sa dugo, katapatan, at isang pag-ibig na walang hangganan?