Zackwey27
"Ako nga pala si, Zack Wayne Miller. Walang girlfriend pero may babae akong hinahanap simula nung Grade 4 ako at ngayon ay Grade 10 na ako pero siya pa din hinahanap ko kaya di ako naghahanap ng magiging girlfriend. Kaya sa ngayon bestfriend ko munang babae pnagtutuunan ko habang di ko pa nahahanap ang babaeng pinag alayan ko ng puso ko simula pa nung bata pa ako. "
"Crystal Jade Anderson, ang pangalan ng girl bestfriend ko. Maganda, maputi, matangos ang ilong at mapupula ang labi ganyan ko siya ilarawan sa pisikal niyang ka anyuan. Walang araw na di ako sumaya sa piling niya kasi baliw siya at sobrang nakakatawa. Napaka supportive niyang kaibigan halos sinusuportahan niya ko sa lahat pero para sa ikakabuti ko lang. "
"May boyfriend siya pero LDR ito kaya ako palagi niyang kasama sa paggala at hinahatid sundo ko din siya kapag uwian. Palagi kaming magkausap sa social media at sa personal ni hindi na nga kami mapaghiwalay eh. Inaalagaan ko si Crystal habang nasa malayo boyfriend niya kasi ito ang bilin sakin ni Jay. Si Jay ang boyfriend ni ash. Ginagawa ko naman bilin niya sakin pero....Habang tumitingin ako sa news feed ko bigla akong may nakitang comment sa post ni Jay dahilan para magduda ako at...
Ano nga ba ang nabasa ni Zack sa post ni Jay? At ano na nga ba ang mangyayari sa kanila ng matalik niyang kaibigan?