_aitating_
Si Maria Elena Ting ay hindi isinilang para yumukod. Isang Mestiza de Sangley (Tsino-Filipino-Espanyol) na pinagkalooban ng talino at kagandahan, ang kanyang buhay ay gumuho matapos mabiktima ng masamang kapalaran ang kanyang pamilya. Napilitan siyang lisanin ang ginhawa at pumunta sa Maynila upang maging tutor sa Mansyon ng mga Montenegro-ang tahanan ng Tiyahin ng pinakamakapangyarihang tao sa buong bansa.
Si Don Luis Federico Montenegro ang Tyrant Captain-General. Isang Mestizo Español na matalino, militar, at may pride na kasing-taas ng kanyang ranggo. Walang sinuman ang nagtatangkang kumuwestiyon sa kanyang awtoridad. Para sa kanya, ang mga babae ay laruan-mga nilalang na naghahanap lamang ng kanyang kapangyarihan at madaling itapon.
Ngunit nang makita niya si Maria Elena, ang lahat ay nagbago.
Ang kanyang pino at maputi na kagandahan, kasama ang kanyang matatalim na mata na tumatangging bumaba tuwing nakatingin siya sa Kapitan General, ay nagdulot ng matinding pagkasuklam at sabay na pag-aakit sa puso ni Don Luis. Si Maria Elena ang hamon na matagal na niyang hinahanap, ang tanging nilalang na nangangahas magpakita ng kalayaan sa kanyang mundo ng paghahari.
Magsisimula ang isang mapanganib na laro ng kapangyarihan. Naniniwala si Don Luis na maaari niyang sirain at angkinin si Mari tulad ng kanyang ginagawa sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Samantalang si Maria Elena, gamit ang kanyang talino at tapang, ay kailangang makahanap ng paraan upang mabuhay at maprotektahan ang kanyang sarili sa ilalim ng tingin ng lalaking walang ibang hangad kundi ang kontrolin siya.
Sa Intramuros, ang pag-ibig ay hindi natatagpuan, ito ay inaangkin. At ang Kapitan General ay handang sunugin ang lahat para lang makuha ang kanyang Mestiza.