FallingDevil28
Avery Clint Crimson and Keessha Coreen Ramos Story
***
Kung darating man ang panahon na malaman mo na ang lahat ng sekreto ko pakiusap, huwag mo akong bitawan.
Kung darating man ang araw na magsawa kana sa kakaintindi sa lahat ng kabalastugan na ginawa ko pakiusap, huwag mo akong bitawan.
Sa panahon na sobra na kitang nasaktan at hindi mo na kaya pakiusap, huwag mo akong bitawan.
Sa mga naririnig mong mga balita na sobrang nakakapandurog ng puso mo pakiusap, huwag mo akong bitawan.
Huwag mo akong bitawan kahit masakit.
Huwag mo akong bitawan kahit na ikaw nalang ang kumakapit.
Huwag mo akong bitawan kahit sa mundong ating ginagalawan ay hadlang ang lahat sa ating dalawa.
"Coreen Keessha Ramos, walang sinuman ang pwedeng mag may-ari sayo, dahil akin kalang" - Avery Clint Crimson.
"Dapat pa ba kitang mahalin kung ang kapalit ng pagmamahal ko sa iyo ay ang walang katapusan na sakit ng dahil sa pagmamahal ko sayo?" - Coreen Keessha Ramos.
Pag-iibigan ng dalawang taong hahadlangan ng lahat. Sapat nga bang pundasyon ang pag-ibig para lamang patuloy na kumapit sa relasyon na wala namang kasiguruhan?
Story Started: 11-02-17
Date Finished: ---
© All Rights Reserved