stars_love_lia
Magkatabing bahay, magkatabing bintana, magkatabing puso, pero hindi magkaintindihan.
Bada Lee, ang night owl na laging may headphones, may lihim na pagtingin sa kanyang nerdy best friend na si Laihwa ReniZyo, ang early bird na walang kaalam-alam sa mga patagong titig at maliliit na lambing.
Sa pagitan ng walkie-talkie messages, tamad na pag-aaral, kape dates, at maliliit na sulyap, mabubuo ang isang kwento ng isang pusong matagal nang naghihintay... at isang pusong oblivious sa lahat.
Hindi naman kailangang malaman niya agad...
Pero paano kung isang gabi, sa gitna ng mga bulong sa dilim, hindi na kayang itago ni Bada ang lahat?
Oblivious - isang taglish story ng kabagalan, kilig, at mga lihim na nakatago sa bawat tawanan at tinginan.