Belsap16
Maihahambing ang buhay ni Cheche noong senior high school sa pagmamaneho ng jeepney paikot sa city na ilang beses nang nabangga, nasita ng traffic enforcer, at paunti-unti nang nasisira-ngunit nakakaya pa ring umandar.
Sino-sino ang magiging pasehero niya? Papara ba sila dahil kailangan nila o sadyang sabik lang talaga silang makasama siya? Gaano katagal silang mananatili at kailan sila lilisan? Mag-aabot ba sila ng barya o basta-basta na lang bababa nang hindi nagbabayad ng pamasahe? May iba kayang jeep na dadali at mag-iiwan ng gasgas? Pepreno ba siya kapag may tatawid sa kalsada?
Sino-sino ang magsisilbing konduktor na tutulong sa pangongolekta ng pamasahe at magtatawag ng maraming pasahero? Higit sa lahat, sino ang natatanging espesyal na taong uupo sa tabi niya? Ang taong gagabay, hahanga sa taglay niyang husay, at bukal sa loob na papalit sa pwesto niya kapag napagod siya. Ito rin ang magpapatugtog ng musika, aaktong windshield wiper tuwing maulan, magtututok ng electric fan sa panahon ng kainitan, magpupunas ng kaniyang luha, handang maging mekanikong aayos sa mga sirang piyesa, desididong mag-overtake sa highway kung kinakailangan, buong tapang na makikipagtalo kapag nakasalubong ng road rage, at taos-pusong sasama sa kaniya kahit ubos na ang gasolina.
Kahit ang gulong ay flat na.
Kahit tatahakin nila ang one-way o dead-end na kalsada.
Kahit sasabog na ang makina.
Kahit alam nilang maaari silang mabangga.
Halina't samahan si Cheche sa kaniyang biyahe mula senior high school patungo sa college. Ibabalik ng nobelang ito ang mga katawa-tawa, kahiya-hiya, at katakot-takot nating karanasan noong high school. Kukulayan din nito ang mga pagkakaibigang dahan-dahang nauuwi sa pag-iibigan sa kabila ng tampuhan, ilang, at kabang madiskrimina.
Ano? Sasakay ka ba?
~ m i mo s a ~