Aaeflm
Sabi nila kapag naglandas daw ang isang babae at lalaki sa unexpected na lugar at unexpected na oras,akala nila tadhana na. But for me,isang malaking kalokohan ang maniwala sa Destiny. Ako yung tipong babae na naniniwala sa plano ng Diyos, I know na ibibigay nya ako sa lalaking matapat at sa lalaking nararapat para sa isang kagaya ko.
Hindi ako nagahahanap ng lalaki,hindi rin ako nagmamadaling pumasok sa isang relasyon. Takot akong masaktan pero mas nakakatakot magmahal ng walang alam. Ilang libro na nga ba ang naisulat ko?ilang libro na ba ang nabasa ko?ilang beses akong kikiligin sa imahinasyon kung pwede naman pala sa totoong tao.
Siguro nga ganun talaga kapag writer ka, kahit wala ka pang alam sa pag-ibig,kaya mong isulat. Alam mo kung paano at anong pakiramdam. Basta ako, without God,without Love.