Zary4435
Nagising si Vanilla sa isang kuwentong minsan lamang niyang narinig. Isang English na nobelang ikinuwento ng kaniyang kapatid.
Ang huling naaalala niya ay ang lungkot ng pamamaalam, at ang muling pagbabalik ng kaniyang kapatid sa tunay nitong mga magulang. Pagmulat ng kaniyang mga mata, wala na ang lahat ng iyon.
Hindi ito ang kwarto niya.
Hindi ito ang bahay niya.
Hindi ito panaginip.
At higit sa lahat, hindi na ito ang kaniyang katawan.
Erella Clengton.
Isang kataohan na dapat ay umiiral lamang sa mga pahina. Isang karakter na may tiyak na papel at mas tiyak na kapalaran.
Noong una, inakala niyang nagkataon lamang ang mga pangalan, ang mga mukha, ang mga pangyayari. Ngunit habang tumatagal, malinaw ang isang katotohanan.
Alam ni Vanilla ang kuwento.
Alam niya kung paano ito magtatapos.
Kaya sinubukan niyang huwag makialam, huwag baguhin ang mga eksenang nakaukit na sa istorya.
Ngunit may mga kuwento na hindi pumapayag sundan ang sariling wakas.
At sa sandaling siya'y nagising bilang si Lady Erella Clengton, nagsimula nang mag-iba ang kaniyang kapalaran .... at ang buong kuwento.