pepperoniizza
Si Mirasol Eliana Ruiz ay kilala sa kanilang bayan bilang "Manang Sol." Lumaki sa puder ng kanyang lola Asul, nasanay sa tahimik na buhay, konserbatibong paligid, at asal na tila lagpas at hindi naaayon sa bata niyang edad. Para sa iba, kakaiba siya. Sobrang kakaiba. Ngunit para kay Sol, iyon siya... at iyon ang mundo niya.
Hanggang sa dumating si Hael Alonzo De Vera sa bayan at buhay nila.
Isang batang Maynila na napadpad sa Batangas para bisitahin ang kanyang lolo kasama ang kanyang kapatid at pinsan. Sanay si Hael sa ingay ng lungsod, sa mabilis na takbo ng buhay, at sa mga taong hindi nagdadalawang-isip sa paglalahad ng iniisip nila.
Sa madaling salita, kabaligtaran siya ni Sol.
Sa gitna ng isang mainit at payapa sanang bakasyon, magtatagpo ang dalawang mundong hindi dapat magtagpo- ang tahimik at ang magulo, ang tradisyonal at ang moderno.
Ngunit paano kung sa likod ng pagiging "Manang" ni Sol ay may puso pala siyang handang matutong sumabay sa bago?
At paano kung si Hael, sa kabila ng kanyang kasiyahan sa lungsod, ay unti-unting mahulog sa katahimikan ng probinsya... at sa babaeng hindi niya inaasahang mamahalin niya?
START: April 9, 2026
END: