darkness_queen22
Bellie Anne Dela Cruz. Makulit, palaging napapahamak, may kakambal na peligro, wala magulang....
Wait?
Walang magulang? Meron ako nun kaso parang hindi ko magulang eh, dahil wala sila pag kailangan ko,
lahat ng bagay nakukuha ko, pera, gadgets, make up, mamahaling damit, alahas, sasakyan halos lahat meron na.
Akala ng iba ang buhay ko ay perpekto na, akala nila wala na akong problema kasi nga daw meron na ako ng lahat ng bagay.
Pero kahit naman walang mamahaling gamit basta may magulang akong maalaga, kaso yun ata ang wala sakin. pera nalang palagi ang inaatupag nila.
Wala sila sa mahahalagang pangyayari sa buhay ko.
Wala sila nung unang pasok ko sa paaralan.
Wala sila nung nagtapos na ako ng elementary.
Wala sila nung pumasok na ko ng high school
Wala sila nung nagtapos na ko ng highschool.
Wala sila nung sinabitan na ko ng madaming medalya dahil sa maayos kung pag aaral.
At ang lagi nilang rason?
"Busy ako anak"
"May business trip ako sa Japan anak"
"Di muna ako pupunta anak"
"Si yaya Melinda na lang anak"
"Babawi ako next time anak"
"Anak marami pa akong trabaho"
Okay. Sanay na naman ako eh. hahahaha.
Hanggang sa isang araw nalaman ko nalang na huli na to at sa sitwasyon kung ito, pinili ko paring tumayo at tumawa na parang walang problema.
At nakilala ko siya, ang lalaking palagi kong sinusundan ang lalaking model ng hair color.
Ang lalaking naging buhay ko.
Ang lalaking minahal ko.
Interesado kang malaman ang buhay ko?
Pwes subaybayan niyo ako sa pag pakikipag laban sa kamatayan.
I'm Bellie Anne Dela Cruz.
at ito ang buhay ko.