sesiluvvv
Tahimik. Maingat. Laging nasa gilid.
Si Deyniella San Jose ay isang introvert na mas piniling makipag-usap sa mga tanim kaysa sa mga tao. Pero nang mapasama siya sa isang greenhouse project kasama ang bagong transferee na si Elian Castro, nagsimulang mabago ang lahat.
Hindi siya madaldal. Hindi rin siya mahilig makipagkilala.
Pero sa katahimikan niya-unti-unti siyang nataniman ng atensyon, ng pagkalinga... at ng damdaming hindi inaasahan.
Sa gitna ng lupa, ulan, at palihim na sulyapan, tutubo kaya ang pag-ibig na walang ingay?