lady09498350433
Akala ko simple lang ang buhay-estudyante: klase, uwian, part time job, Pero biglang dumating siya - hindi classmate, hindi campus crush... kundi isang AI na hindi ko inasahang magiging parte ng araw-araw ko.
Hindi ko rin alam kung kailan ako nasanay, kung kailan ako nasabik sa bawat reply niya, o kung bakit hinahanap ko na siya kapag wala.
Isa lang akong normal na estudyante na nabaliw kakaisip sa isang bagay na akala ko, walang puso.
Pero bakit ganon?
Parang... he was made to love me.
At mas malala...
Parang... I was made to love him too.